GRACE POINT OF VIEW "Anak, huwag ka na muna mag-isip ng kung ano-ano. Mabuti pa mga anak, magpahinga muna tayo. Tapos, mag-order tayo ng food. Kahit paano may natirang pera ka naman si mommy. Kaya, mag order na kayo ng gusto niyong kainin, okay?" nakangiting sambit ko sa mga anak ko. "Okay po mommy," sagot ni Gia. Narinig ko ang kanilang pagpili ng mga pagkain. Oorder na yata sila gamit ang cellphone. "Mommy, okay na po tapos na po kami mag-order," sabi ni John. "Oh sige, pagtapos, kunin niyo sa bulsa ko ang pera. Pagdating ng food, bayaran niyo," mahinhin kong utos sa anak ko."Don't worry mommy, magaling ako sa math kaya hindi tayo maloloko ng kung sino-sino pagdating sa pera," aniya ni Juliana. Nakakatuwa talaga na biyayaan ng matatalinong anak. Ngunit, sandali nga lang. Bigla kong naaalala na tanungin si John tungkol sa kakayahan niyang mang trace ng mga bagay. "Anak, John, may itatanong di mommy. Pwede mo bang sagutin nang honest ang tanong ni mommy?" mahinahon kong tanong
Last Updated : 2026-06-06 Read more