Rhenan POVSa wakas, dumating din ang araw na matagal naming hinihintay.“Pwede na siyang umuwi.”Iyon ang sinabi ng doktor matapos ang huling pagsusuri kay Rhenfield.Hindi ko napigilang mapangiti.Matapos ang ilang araw na pananatili niya sa ospital, sa wakas ay makakauwi na rin ang anak namin.“Sigurado po kayo, Doc?” tanong ni Alexandra.Tumango ang doktor.“Stable na siya. Kailangan lang niyang magpahinga nang maayos, iwasan muna ang mabibigat na gawain, at bumalik para sa follow-up checkup.”“Susundin po namin,” agad na sagot ni Alexandra.Si Rhenfield naman ay nakangiti na.“Finally.”Napatawa ako.“Excited?”“Sobra, Dad.”“Bakit?”“Miss ko na kama ko.”Napailing ako.“Akala ko naman miss mo kami.”“Of course, kasama na kayo.”Tumawa si Alexandra.“Ang kapal.”“Mom naman.”Masaya akong makita siyang ganoon.May mga pasa pa rin sa mukha niya.May ilang sugat na kailangan pang gumaling.Pero mas maliwanag na ang mga mata niya.At para sa akin, iyon ang pinakamahalaga.Paglabas na
Baca selengkapnya