Chapter 10 Natigilan ako sa sinabi niya. “Mrs. Ang?!” Parang biglang bumigat lalo ang dibdib ko. Hindi ko agad ma-process ang narinig ko. “P-po… i-tranfer?” mahinang ulit ko, halos pabulong. Tahimik na tumango ang professor—si Mrs. Ang—habang nakatingin sa akin nang may halong awa at pag-aalala. “Betty,” mahinahon niyang sabi, “nakikita ko na nahihirapan ka na dito. Hindi ka makapag-focus dahil sa nangyayari sa paligid mo.” Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. “Sa probinsya, mas tahimik. Mas ligtas. Pwede kang magsimulang muli.” Parang may sumikip sa lalamunan ko. “Sayang ang talino mo,” dagdag niya. “Ayokong masira ang kinabukasan mo dahil lang sa mga nangyayaring ito.” Tahimik akong napayuko. Muli na namang bumalik sa isip ko ang lahat—ang tawanan, ang bulungan, ang kahihiyan. Kung tutuusin… tama siya. Baka nga doon mas madali. Baka doon hindi ako araw-araw nasasaktan. Pero, bigla kong naalala ang lahat ng pinaghirapan ko para makapasok dito. Ang pangarap ko. Ang sa
Read More