“Okay.”Ipinatong ni Leila ang maliit na notepad sa dining table.“Kailangan na nating mag-grocery.”Napatingin si Aling Rosa mula sa sofa.“Ubos na ang bigas.”“At gatas,” dagdag ni Oliver habang umiinom ng huling patak ng tsokolate sa kanyang baso.“At snacks,” pahabol nito.Napataas ang kilay ni Leila.“Snacks agad ang naalala mo?”Napangiti ang bata.“Important din ’yon.”Mula sa kabilang upuan, marahang isinara ni Dylan ang laptop na kanina pa niya pinagkakaabalahan.“I’ll come.”Agad na umiling si Leila.“Hindi na kailangan.”“Kaya naman namin.”“It’s fine.”Tumayo si Dylan.“Mas maraming magbubuhat.”Bago pa makatanggi si Leila, nagsalita na si Oliver.“Yey!”“Family grocery!”Nagkatinginan sina Dylan at Leila.Hindi na lang sila nakapagsalita.⸻Ilang minuto ang lumipas, naroon na silang apat sa isang malaking supermarket.Pagpasok pa lang, mabilis nang kumuha si Oliver ng shopping cart.“Daddy!”sigaw nito.“Ako ang driver!”Napatawa si Dylan.“Sure.”Pero nang subukan ng bat
Read more