Abala si Leila sa pag-aayos ng mga dokumento nang mapansin niyang may isang folder na kailangan nang pirmahan ni Dylan bago matapos ang araw.Bilang personal secretary nito, sanay na siyang siya mismo ang nag-aayos ng schedule, documents, meetings, at kung anu-ano pang kailangan ni Dylan sa trabaho.Kaya nang makita niyang kailangan ang pirma nito sa ilang mahahalagang papeles, agad niyang inayos ang mga dokumento.Hindi na siya nag-abala pang mag-text.Diretso siyang nagtungo sa opisina nito.Bahagya niyang kinatok ang pinto.“Dylan?”Walang sumagot.Bahagya niyang binuksan ang pinto.“Excuse me.”At doon niya ito nakita.Nakatayo si Dylan sa tabi ng desk.Isang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa gilid ng mesa.Ang isa naman ay nasa kanyang sentido.Napakunot ang noo ni Leila.“Dylan?”Mabilis itong napatingin sa kanya.Ngunit bago pa siya makapagsalita…Napapikit si Dylan.“Ah…”Agad na nagbago ang ekspresyon ni Leila.“What happened?”“I’m okay.”Hindi siya naniwala.Lumapit s
Read more