LOGINHindi nakatulog si Leila nang gabing iyon.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina.Ang halos pagdikit ng mga labi nila ni Dylan.Ang paraan ng pagtingin nito sa kanya.At ang tanong na hanggang ngayon ay parang nakakulong sa kanyang dibdib.“If I remember everything… and I still feel the same way about you… will you let me kiss you then?”Napapikit si Leila.Hindi niya alam kung bakit tila mas lalo siyang natatakot sa tanong na iyon kaysa sa lahat ng banta na natanggap niya nitong mga nakaraang araw.Dahil ang totoo…May bahagi sa kanyang gustong sumagot ng oo.Pero hindi pa maaari.Hindi hangga’t hindi naaalala ni Dylan ang lahat.Dahil may isang bahagi ng kanilang nakaraan na hindi niya kayang balewalain.Ang panahong siya lamang ang naiwan.Ang panahong wala si Dylan.At ang araw na nalaman niyang…Buntis siya.⸻Bata pa si Leila noon.Hindi pa niya alam kung paano haharapin ang isang responsibilidad na mas malaki pa sa kanyang sarili.Nakatayo siya sa loob ng ma
Kinabukasan, mas maganda na ang pakiramdam ni Dylan.Hindi na siya nilalagnat.Bumaba na rin ang init ng kanyang katawan.Pero kung may isang bagay na hindi bumaba…Iyon ay ang nararamdaman niya tuwing naaalala niya ang buong gabing inalagaan siya ni Leila.Ang pagpunta nito sa kwarto niya bawat ilang oras.Ang pag-aayos ng kumot.Ang paglalagay ng malamig na bimpo sa noo niya.Ang walang sawang pagsasabi nitong uminom siya ng gamot.At higit sa lahat…Ang mahinang sinabi nito kagabi.“Hindi naman kita kayang pabayaan.”Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Pero hindi niya iyon kinaiinisan.Sa katunayan…Gusto niya.Sobra.⸻“Good morning.”Napalingon si Dylan nang marinig ang boses ni Leila.Nasa kusina ito.May hawak na tray ng pagkain.“Breakfast.”Lumapit siya.“I can do that.”“I know.”Sagot ni Leila.“Pero may sakit ka pa kahapon.”“Yesterday.”Ngumiti si Dylan.“Now…I’m perfectly fine.”Napataas ang kilay ni Leila.“Perfectly fine?”Tumango siya
Alas-diyes na ng gabi m, mahinbing nang natutulog si Oliver matapos ang mahabang araw.Si Aling Rosa naman ay nagpaalam na ring magpapahinga.Habang si Leila ay nasa kusina, naghuhugas ng huling baso bago matulog.Napangiti siya nang maalala ang nangyari kanina.Kung paano nagpumilit si Dylan na ilayo ang payong sa sarili para hindi sila mabasa ni Oliver.At kung paano ito napangiwi sa bawat lagok ng ginger tea.“Para kang bata,” natatawa niyang bulong sa sarili.Pinatay niya ang ilaw sa kusina at balak na sanang dumiretso sa kanyang silid.Ngunit…“Achoo!”Napalingon siya sa sala.Isa na namang malakas na bahing ang narinig niya.Sinundan pa iyon ng mahinang pag-ubo.Kumunot ang noo niya.“Dylan?”Walang sumagot.Naglakad siya papunta sa guest room kung saan pansamantalang natutulog si Dylan.Bahagyang nakaawang ang pinto.Marahan niya iyong tinulak.Nakita niyang nakahiga si Dylan.Namumula ang mukha nito.Mahimbing ang tulog, ngunit halatang hindi komportable.Lumapit siya.“Dylan…
Matapos ang masayang grocery trip noong Sabado ng hapon, punong-puno ng mga paper bag ang shopping cart nila.“Mommy, bili natin ’yung dinosaur nuggets next time ha?” masayang sabi ni Oliver habang itinutulak ang maliit na cart..“May chicken nuggets pa tayo sa freezer.”“Pero mas masarap ’yung dinosaur.”“Tingin mo lang mas masarap dahil dinosaur.”“Hindi ah. Mas heroic.”Napatawa si Dylan.“I agree with Oliver.”Kumunot ang noo ni Leila.“Ikaw pa talaga ang kakampi.”“Siyempre. Men’s alliance.”Nag-high five pa ang dalawa.“Yey!”Napailing na lang si Leila habang natatawa.“Dalawa talaga kayong makukulit.”Paglabas nila ng supermarket, madilim na ang kalangitan.Napansin ni Dylan ang makakapal na ulap.“Parang uulan.”Kasasabi pa lamang niya…Biglang kumislap ang langit.Kasunod noon ang malakas na kulog.At ilang segundo lang ang lumipas…Bumuhos ang malakas na ulan.“Mommy!”Napayakap si Oliver sa braso ni Leila.“Ang lakas!”Mabilis na binuksan ni Dylan ang trunk ng sasakyan.“Di
Lumipas ang ilang araw na payapa ang lahat.Naging normal na ang routine nila.Tuwing umaga, si Dylan ang naghahatid kay Oliver sa school bago dumiretso sa opisina. Sa hapon naman, kapag maaga siyang natatapos sa trabaho, siya rin ang sumusundo rito. Si Leila naman ay kadalasang dumidiretso mula sa opisina papunta sa school upang doon sila magkita bago sabay-sabay umuwi.At sa totoo lang…Unti-unti nang nasasanay si Dylan sa setup na iyon.Hindi na niya inaamin sa sarili, pero inaabangan na niya ang oras ng uwian.Dahil alam niyang makikita niya sina Oliver…At si Leila.⸻“Bye, Sir Dylan!”Masayang kumaway ang teacher ni Oliver nang dumating siya sa school.“Good afternoon.”Ngumiti si Dylan.“Nasaan si Oliver?”“Nasa playground pa po.”Tumango siya.Naglakad siya papunta roon.Ngunit ilang metro pa lang ang layo niya…Napahinto siya.Nakita niya si Leila.Nakatayo ito sa ilalim ng malaking acacia tree.Ngunit hindi ito nag-iisa.May kasama itong lalaki.Matangkad.Malinis manamit.M
Matapos ang gabing iyon, matagal bago nakatulog si Leila.Nakahiga siya sa kama, nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari sa sala—ang tawa ni Oliver, ang kalokohan ng bata, ang biglang paghawak ni Dylan sa kamay niya, at higit sa lahat, ang mga salitang binitiwan nito nang seryoso at walang halong biro. You’re beautiful. Hanggang ngayon, parang naririnig pa rin niya ang boses nito. Hindi iyon malakas. Hindi iyon dramatiko. Pero mas tumimo iyon sa puso niya kaysa sa kahit anong matamis na salita na narinig niya noon.Ilang beses niyang ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili. Wala iyon. Isa lang iyong sandali. Isang laro lang na pinilit ni Oliver. Isang pagkakataong napasama siya sa isang eksenang hindi naman dapat niya pinapansin nang ganoon kalalim. Pero kahit anong sabihin niya sa sarili, hindi niya maikaila ang katotohanan na may kung anong gumalaw sa loob niya nang haplusin ng tingin ni Dylan ang mukha niya na para bang siya
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil
Leila! Leila! Sumagot ka na!”Halos mabitawan ni Leila ang cellphone nang biglang sunod-sunod ang tawag ni Sheila sa kanya. Nagmamadali niyang sinagot iyon habang nakasandal sa maliit na kitchen counter ng apartment nila.“Ano ba? Ang aga-aga—”“PASOK TAYO!”Napakurap siya. “Ha?”Napatalon si Sheil







