LOGINWINONA'S POV Halos isang linggo na ang lumipas mula nang ilagay ako sa temporary administrative leave. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa isang iglap. Mula sa pagiging Event Manager ng Villarreal Holdings. Naging taong pinaghihinalaan ng sarili kong kumpanya. Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa sala ng bahay. Nasa harapan ko ang lumang laptop na matagal ko nang hindi ginagamit. Ito rin ang laptop na ginamit ko noon bago ako lumipat sa Villarreal Holdings. Matapos madiskubre ni Rafael ang remote access logs dito. Hindi ko na halos ito ginalaw. Tahimik kong isinara ang laptop. Ayoko na munang isipin ang problema. Mas gusto kong ituon ang oras ko sa kambal. "Mommy!" Napangiti ako nang marinig ang masiglang boses ni Bea. "Look at Brix!" Napalingon ako, masyadong malalim ang iniisip ko, hindi ko napansin na nasa harap na ng lumang laptop si Brix, seryosong-seryoso habang mabilis na gumagalaw ang mga daliri sa keyboard. "Brix..." Mahina ko siyang tinawag. "Don't play w
RAFAEL'S POVHindi ako naniniwala sa perpektong krimen. Sa loob ng maraming taon sa pagpapatakbo ng Villarreal Holdings, iisa lang ang napatunayan ko. People always leave traces. Hindi mahalaga kung gaano sila katalino. Hindi mahalaga kung gaano nila pinagplanuhan ang lahat. Darating ang oras na magkakamali rin sila. Kailangan ko lang makita kung saan.Nasa harapan ko ang lahat ng reports na nakalap ng Investigation Team. Ang printer logs. Security records. Remote access report mula sa lumang laptop ni Winona. At ang dalawang kontrata - ang orihinal at ang may pinalitang tatlong pahina.Kanina ko pa paulit-ulit na tinitingnan ang mga ito. May isang bagay na hindi pa rin nagtutugma. Humigop ako ng malamig na kape bago muling binalikan ang timeline.Someone attempted to process the fifty-million-peso payment using Winona's employee credentials.Pagkatapos, nadiskubre namin ang remote access sa lumang laptop ni Winona. Hindi magkakahiwalay ang mga pangyayaring ito. May iisang taong maing
RAFAEL'S POV Hindi ko na hinintay pang matapos ang tawag. Pagkababa ko ng cellphone ay agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at mabilis na lumabas ng opisina. "Sir?" Gulat na tawag ni Claire nang makitang nagmamadali ako. "Cancel my remaining meetings." sabi ko. Hindi na ako lumingon pa. "I'll explain later." Mabilis akong sumakay sa sasakyan at pinaandar iyon. Buong biyahe. Iisa lang ang umiikot sa isip ko. Si Eva, hindi ko pa siya maaaring husgahan. Hindi pa sapat ang isang system log pero ito ang unang konkretong lead matapos ang halos dalawang linggong paikot-ikot na imbestigasyon. At hindi ko hahayaang masayang iyon. Pagdating ko sa condominium ni Winona. Agad akong sinalubong ng kambal. "Daddy CEO!" Masaya silang yumakap sa akin ngunit napansin nilang seryoso ang mukha ko. "Kailangan ko munang tingnan ang laptop ni Mommy." Tumango naman sila. "Brix found something." sabi ni Bea. Pagpasok ko sa sala ay nadatnan kong nakaupo si Winona sa harap ng luman
WINONA'S POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang ilagay ako sa temporary administrative leave. Hindi pa rin ako sanay. Wala akong deadline. Walang meeting. Walang event proposal na kailangang tapusin. Tahimik akong nakaupo sa sala habang nakatanaw sa bintana. Hindi ko namalayang napabuntong-hininga na naman pala ako. "Mommy..." Mahina kong narinig ang boses ni Bea. Paglingon ko ay nakita kong nakayakap siya sa stuffed bunny niya. "Are you still sad?" Bahagya akong napangiti. Umiling ako. "A little." Lumapit siya at yumakap sa akin. "It's okay. Daddy CEO said he'll catch the bad guys." Nasabi ko na rin sa kambal ang katotohanan dahil sa kakatanong nila. Napatawa ako nang mahina. Mukhang malaki talaga ang tiwala ng kambal kay Rafael. Sana... Ganoon din kadali ang lahat. Bandang hapon... Habang abala akong nagdidilig ng mga halaman sa maliit naming balcony. Narinig kong tumawag si Brix mula sa sala. "Mommy! Can I use your old laptop?" Tumango ako. "Nasa cabi
WINONA'S POVTahimik ang buong Executive Conference Room. Napakalamig ng air conditioner ngunit wala iyon kumpara sa lamig na unti-unting bumabalot sa buong katawan ko habang nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang conference table.Naroon ang buong Board of Directors. Naroon din ang Legal Department. Internal Audit. IT Team. At sa pinakadulong upuan... Si Rafael.Tahimik siyang nakaupo. Magkasalubong ang mga kilay habang binabasa ang huling investigation report. Wala pa ring tunay na salarin ngunit patuloy na lumalala ang sitwasyon ng kumpanya.Tumayo ang Chairman ng Board."President Villarreal. We've reviewed all the reports unfortunately... The evidence still points to Ms. Winona Sanchez."Napahigpit ang pagkakahawak ko sa palad ko. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano pa ang maaari kong sabihin. Alam ko sa sarili kong wala akong ginawa at wala akong kasalanan, pero sino ba naman ako sa harap ng mga ito? Isa lamang akong hamak na empleyado ng kumpanyang ito.Tumayo si Rafael.
RAFAEL'S POV Kalalapag ko lamang ng cellphone ko, nagmessage na naman ang mga kaibigan ko, matagal na rin akong hindi nakakasama sa happenings nila. Wala ako sa mood para magliwaliw lalo na sa panahong ito. Muli kong kinuha ang mga report papers na paulit-ulit kong binabasa. Walang bagong ebidensya. Walang maiturong suspect kaya marami akong katanungan sa isip. Hindi kaya may malaking tao sa likod nito? Hindi ito magagawa ng iisang tao lamang kahit gaano siya katalino at kaingat, kailangan pa rin ng kasabwat. Isang marahang katok ang pumutol sa katahimikan. "Come in." Pumasok si Claire ngunit sa pagkakataong ito ay halatang nagmamadali. "Sir..." Humihingal pa ito. "There's a problem." Napatingin ako sa kanya. "A bigger one." dagdag niya. Nanlamig ang pakiramdam ko. "What happened?" Tahimik niyang inilapag ang tablet sa mesa. "Please... look at this." Kinuha ko iyon. Pagbukas ko pa lamang ng screen ay agad kong nabasa ang headline. BREAKING NEWS VILLARRE
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong kla
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy,
Winona's POV Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hind
Winona's POV Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakasandal sa railing ng rooftop, nakatingala sa madilim na langit ng Maynila. May hawak siyang wine glass sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng slacks niya. Parang kanina pa siya dito sa







