WINONA'S POV By ten in the morning, halos hindi na ako makahinga sa dami ng kailangang asikasuhin. Sa harap ko ay nakalatag ang wedding proposal, supplier quotations, venue layout, guest list, menu options, floral arrangements, at preliminary schedule ng isang kasalang kailangan naming ihanda sa loob lamang ng ilang araw. At ang dahilan? Si Helios De Dios, isa sa pinakamalalapit na kaibigan ni Rafael at kabilang sa tinatawag nilang Elite Seven. Honestly, hindi ko pa rin maintindihan kung paano nagawang magdesisyon ng lalaking iyon na magpakasal nang ganito kabilis. Kaya nang sabihin ni Rafael na kailangan kong pumunta sa Presidential Office para sa meeting, hindi na ako nagtaka. Pagpasok ko sa presidential office, halos mapahinto ako sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa dami ng tao kundi dahil sa mga lalaking naroon. The Elite Seven. Kumpleto sila. Pitong lalaking kilala sa business world hindi lamang dahil sa kanilang yaman, kundi dahil sa kapangyarihang taglay ng bawat i
Read more