Aella's POVHindi na maiwasan ang mga titigan na tumatagal nang ilang segundo. Sa bawat galaw namin sa loob ng maliit na bahay, ramdam na ramdam ang bagong uri ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Ang dating simpleng asaran habang naghuhugas ng plato o ang sabay na pag-inom ng kape sa balkonahe ay napalitan ng mga sandaling puno ng hindi nasasabing emosyon.Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga natuyong damit sa bakuran, lumapit si Mister para tulungan ako sa pagliligpit ng mga palaman at kulambo. Sa bilis ng pagkuha niya sa isang dulo ng kumot, nagdikit ang aming mga daliri.Napatigil kaming dalawa. Tumingin siya sa akin nang diretso, ang kaniyang mga mata ay may malalim na tanong na parang gustong sumabog anumang oras."Aella," mahinang simula niya, ang boses niya ay bahagyang nanginginig."Bakit, Mister?" tanong ko habang pinipilit kong maging kalmado ang boses ko kahit na parang may tambol na lumalakas sa loob ng dibdib ko.
Read more