"Noah, stay right there, huwag kang aalis sa pwesto mo... as in dyan ka lang!" ang malakas kong sigaw habang hinahawi ko ang mga sound cables sa backstage, hindi ko na pinapansin ang mga security personnel na pilit humaharang sa daanan ko."Sir Drake, hindi po pwedeng pumasok sa main frame ng camera, naka-live stream po ang buong bansa ngayon sa event na ito!" ang humihingal na saway sa akin ng stage manager na agad kong kinaladkad palayo gamit ang isang kamay."Wala akong pakialam sa rating ng network ninyo, kaya kung ayaw mong ipasara ko ang media station mo bukas na bukas din... umalis ka sa harap ko!" ang as in nanginginig kong banta habang ang cold at perfectionist kong imahe ay tuluyang natunaw, pinalitan ng matinding takot na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.Tiningnan ko si Claire sa ibaba ng hagdanan ng entablado, ang kaniyang emerald gown ay medyo gulo na dahil sa pakikipagsiksikan sa mga elitistang bisita, at ang kaniyang magandang mukha ay basang-basa na ng luha
Read more