Mag-log in“So, everything is settled now?” tanong ni Cloud kay Chase, isang hapon habang nasa loob ito ng opisina niya. Nakaupo ito sa isa sa mga visitor’s chair na nasa tapat ng kanyang executive desk habang siya naman ay nasa swivel chair niya.Marahan siyang tumango sa kanyang kapatid saka napabuga ng isang malalim na buntonghininga. Prenteng isinandal niya rin ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair bago nagwika rito.“I think so, Kuya Cloud,” saad niya. “Sa Linggo ko dadalhin ang mag-ina ko roon. I am planning to do my proposal there as well.”Isang malapad na ngiti ang iginawad sa kanya ni Cloud. “Well, ngayon pa lang, congrats na. I hope, wala nang problema sa relasyon ninyo ngayon. I can almost hear wedding bells now.”Sukat sa mga sinabi nito ay agad na natigilan si Chase. Iyon din ang isang bagay na labis niyang ipinagdadasal--- ang maging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Yelena. Hindi lang ang relasyon nilang dalawa, kundi maging ang relasyon na rin nila
Hindi na alam ni Yelena kung ilang minuto na siyang nakatitig sa labas ng salaming bintana sa condo unit ni Chase. She was just standing there, hugging herself with her two arms. Nakatanaw siya sa labas ngunit halos wala naman doon ang atensyon niya. She was thinking of something else. She was still thinking of what happened that day.Matapos ngang masigurong maayos naman ang kalagayan niya at ng kanyang dinadala ay pinayagan na rin sila ng doktor na makauwi na. Ilang habilin pa ang ibinigay nito sa kanya para masigurong walang mangyayaring masama sa ipinagbubuntis niya.Mula sa ospital ay hindi pumayag si Chase na sa apartment na tinitirhan nila ni Jaxon siya dumiretso. Kahit mangatuwiran siyang kaya niya na ay hindi ito nagpahinuhod. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na sa condo unit na nito magpalipas ng gabi.At naroon na nga siya sa tinitirhan ng binata. Doon na sila dumiretso at ilang sandali pagkarating doon ay inihatid na rin ng isa sa mga empleyado ng mga Serravalle ang an
Halos magtagis ang mga ngipin ni Chase nang malakas niyang suntukin sa mukha si Grant. Bulandra ito sa sahig dahil sa hindi naiwasan ang kanyang kamao. At hindi pa man din nakababawi si Grant ay agad na niya itong nilapitan ulit. Halos sumampa na siya sa ibabaw ng binata at sunod-sunod pa ring pinagsusuntok ang mukha nito.He was consumed with so much anger. Ang makita ang kalagayan ni Yelena ay labis na nagpatindi sa galit na nararamdaman niya. Grant was about to rape her. Kahit wala sa akto nang pumasok siya sa silid na iyon ay sapat nang ebidensiya ang nakita niya--- sira ang kasuotan ng kasintahan niya at wala nang saplot pang-itaas si Grant. Ang mga iyon pa lang ay nagpapatunay na sa kung ano ang binabalak gawin ng binata kay Yelena.At ang galit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay siyang dahilan kung bakit waring hindi niya nais tigilan ang panununtok sa mukha ni Grant. Dama niya na rin ang hapdi sa kanyang kamao dahil sa paulit-ulit na pagpapatama rito ngunit hindi
Agad na nanlaki ang mga mata ni Yelena nang halikan siya ni Grant sa kanyang mga labi. Mariin iyon na halos masaktan pa siya dahil sa ginagawa nito. Dama niya pa ang pagpupumilit nitong ibuka niya ang kanyang bibig ngunit mariin ang pagkakatikom niya niyon.Naikuyom ang kanyang mga kamay saka sunod-sunod na isinuntok iyon sa dibdib ng binata. Pilit din niyang iniiwas ang kanyang mukha rito. But the more she did it, the tightened Grant held her nape. Pigil siya nito sa kanyang batok sanhi para hindi niya magawang makalayo rito.Until moments later, Yelena groaned in pain. She felt him bit her lower lip in a not so gentle way that made her gasped. Naging dahilan pa iyon para maiawang niya ang kanyang bibig na agad namang sinamantala ng binata. Mas naging marahas ang paghalik nito, mas naging agresibo. Nagawa rin nitong maipasok na ang dila sa kanyang bibig na agad nagpausbong ng sindak sa kanyang dibdib.Nagsiunahan ang mga luha niya sa pagpatak. Hindi niya na rin maiwasang makadama ng
“Hindi rin ba sumagot si Yelena sa mga text messages mo?” tanong ni Chase kay Chona sa tinig na puno ng pag-aalala.“Hindi po, Kuya Chase. Sinubukan ko rin pong tawagan pero hindi po sumagot.”Dahil sa mga sinabi ni Chona ay muling napabuga ng malalim na hininga si Chase. Marahan siyang naglakad palapit sa may pintuan habang sa cell phone niya nakatingin. Sinusubukan niyang magpadala ulit ng mensahe kay Yelena na nagtatanong kung nasaan na ito.Kasalukuyan siyang nasa apartment ng kanyang mag-ina. Doon na siya dumiretso pagkagaling sa C&G Corporation. Matapos niya nalaman mula sa sekretarya ni Yelena na sumama ito kay Grant ay hindi na niya tinigilang padalhan ng mensahe at tawagan ang dalaga. Nagtatanong siya kung nasaan na ito ngunit kahit isang sagot ay wala siyang natanggap.Wala naman sanang problema sa kanya kung nakipagkita man ito kay Grant. Napag-usapan naman na nila ang tungkol sa kagustuhan ni Yelena na makausap ang kaibigan nito. Alam niyang gusto lang ng kasintahan niyang
Nahihintakutang napatitig si Yelena kay Grant. Bakas na bakas sa mukha nito ang galit at halos makita na nga ang mga ugat sa leeg ng binata. Hindi niya pa inaasahang magkakaganito ito. Sa loob ng ilang taon mula nang sumama siya rito sa Manila para magtrabaho, kailanman ay hindi pa nagalit nang ganoon ang kaibigan niya.Ngayon lang...And Yelena knew she was partly to blame. Aminado naman siya roon. Nasaktan ito dahil sa naging pasya niyang bigyan ng isa pang pagkakataon ang pag-iibigan nilang dalawa ni Chase.“G-Grant...”“Why, Yelena?” he asked with so much frustration on his voice. “Bakit siya pa rin?”Tears suddenly formed in her eyes. Alam niyang nakita iyon ni Grant. She couldn’t help it. Hindi niya ito gustong saktan. Sadyang hindi niya lang kayang dayain ang kanyang sarili. Mahal niya pa rin si Chase. Sa kabila ng lahat ay hindi nawala sa puso niya ang binata. At mas masasaktan niya lang si Grant kung ipipilit niyang mahalin ito nang higit pa sa pagkakaibigan kahit pa ibang la
Masusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yelena habang hawak-hawak niya ang pregnancy test result na nagpapakitang buntis siya. Kita nga roon ang dalawang kulay pulang guhit na nagpapatunay na may munting buhay na sa kanyang sinapupunan... na nagbunga ang relasyon nilang dalawa ni Chase.S
Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit
Hindi na alam ni Yelena kung makailang ulit siyang napalunok habang magkahinang pa rin ang mga paningin nila ni Chase. Katulad niya rin itong waring natigilan nang makita siya. That alone made her realized that he wasn’t also expecting to see her there.Agad na nga siyang napaiwas ng kanyang mukha







