Seren Evangeline Del ValleIt's already past eight in the evening, pero hindi pa rin umuuwi si Cloud. Noong umalis siya kaninang tanghali ay ang sabi niya, saglit lang siya, kaya naman akala ko ay bago magdilim ay makakauwi na rin siya. But I was wrong, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya.I tried to call him earlier, pero hindi naman siya sumasagot. Nagpadala lang siya ng mensahe sa akin na gagabihin itong umuwi dahil sa inaasikaso niya sa opisina. Hindi na lang rin ako nagtanong pa sa kanya dahil, una sa lahat, wala rin naman akong karapatan, bukod sa ako ang ina ng mga anak niya.Nakahiga ako ngayon sa kama at marahang hinahaplos ang aking tiyan habang paulit-ulit na tinitingnan ang cellphone ko kung may mensahe na ba siya. Ilang sandali pa ang lumipas at nakarinig naman ako ng isang mahinang pagkatok, kung kaya doon pa lang ay alam ko nang hindi si Cloud iyon. Sinundan naman ito ng pagpasok ni Remy, isa sa mga kasambahay na kinuha ni Cloud para sa amin. Anak ito ng dating ta
Read more