Seren Evangeline Del Valle“Friend, yung appointment mo kay Doc bukas ha, baka makalimutan mo na naman,” paalala ni Mika sa akin habang kumakain kami ng hapunan.Dalawang linggo na rin mula nang malaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapunta sa OB-gyn ko dahil na rin nga sa mga nangyari sa amin nitong nagdaang linggo. Mas pinagtuunan ko rin kasi ng pansin ang pagpapagaling ni Cyrus kaya naman talagang nawala na rin sa isip ko ang pagpunta ko sa ospital.“Hindi ko naman nalilimutan. Saka nakapagpaalam na rin ako sa opisina na male-late ako ng pasok bukas. Alas-otso naman ang appointment ko, 'di ba? Kasi ang sinabi ko kila Camille, mga 10 nasa opisina na rin ako,” tugon ko naman sa aking kaibigan. Siya rin kasi ang nag-set ng appointment ko sa kanyang dating OB dahil wala rin naman akong kilalang doktor na titingin sa akin dito sa Pinas.“Oo, friend. Saka nasabihan ko na rin si Dr. Villegas, kaya pagpunta mo doon ay aasikasuhin ka na rin na
Read more