Cloud Serravalle“Mika?” kunot-noong wika ko habang matalim na nakatitig sa babaeng nasa aking harapan.Tila hindi mapakali ang babae at akmang aalis na sana kung hindi ko lang kaagad nahawakan ang kanyang kamay.“Ikaw nga… ikaw ang best friend ni Seren, 'di ba? Alam mo ba kung saan siya nakatira ngayon? I need to talk to her, so please, tell me where she is,” pakiusap ko sa babaeng bakas pa rin ang pagkabalisa sa mukha.“Bro, kilala mo pala si Mika? Siya pala ang sinasabi ko sa iyo kanina na ina ng unica hija ko,” pagpukaw ni Rehan sa aming atensyon nang maabutan niya akong hawak-hawak ang kamay ng babaeng nasa aking harapan.Ginamit naman ni Mika ang pagkakataon upang makawala sa aking pagkakahawak, lalo na noong tuluyan nang nakalapit sa amin si Rehan.Mas lalo pa akong nawalan ng pagkakataon na makausap ang babae nang sunod na lumapit sa amin ang sinasabing anak ng kaibigan ko na si Ela.“Papa, friend mo po siya? Kaya ba laging nandito si Sir sa shop namin ni Mama, saka kaya ba la
Read more