Cloud Serravalle“Papa…” mahinang dinig ko sa isang tinig na sinundan naman ng pagdampi ng kakaibang bagay sa aking tenga. Bagay na nagbigay ng kakaibang kiliti sa akin, dahilan upang marahan ko itong palisin.Ngunit imbis na mawala ang mahinang tinig na pumapailanlang sa aking tenga, ay nasundan pa ito ng mahihinang hagikhik at muling pagdampi ng nakakakiliting bagay na iyon, na ngayon naman ay sa aking leeg.“Cyrus anak, what are you doing here? Sabi ko naman sa iyo, baby, na huwag mong gisingin ang Papa Cloud mo,” mahinang pagalit ni Seren sa bata.Bahagya naman akong nagmulat ng aking mga mata at doon ay nakita ko ang bahagyang pagsimangot ng batang katabi ko ngayon sa ibabaw ng kama.“But Mama, nagsleep na siya nang matagal po eh. Malapit na tayo mag-eat ng lunch po, hindi pa nagising ang Papa Cloud ko. Baka gutom na po,” pagdadahilan pa ni Cyrus, dahilan upang gumuhit naman ang munting ngiti sa aking mga labi.Marahan naman akong kumilos nang patihaya, kung kaya ang atensyon ng
Read more