Seren Evangeline Del ValleTatlong araw matapos ang aming simpleng kasal ay narito na kami ngayon sa El Nido, Palawan.Hindi ko pa rin minsan mapaniwalaan na asawa na talaga ako ni Cloud. Ilang araw pa lamang ang lumipas mula nang sabihin namin sa isa’t isa ang aming mga pangako, pero pakiramdam ko ay napakarami nang nagbago sa buhay namin.Mas naging payapa rin ang mga araw namin matapos ang kasal. Wala munang problema, wala munang mga taong kailangang harapin at wala munang mga bagay na kailangan naming isipin tungkol sa nakaraan.Gusto muna naming namnamin ang bawat sandali.Plano sana naming pumunta agad sa Alta Vista dahil iyon ang isla kung saan kami muling nagkita ni Cloud. Marami kaming alaala roon, lalo na ang mga pangyayaring muling naglapit sa aming dalawa matapos ang ilang taon na pagkakahiwalay.Pero mas minabuti muna naming mag-stay nang ilang araw sa El Nido bago kami tumuloy roon.Kasama namin si Cyrus at ang yaya niya na siyang tumutulong sa pag-aalaga sa kanya lalo n
Baca selengkapnya