เข้าสู่ระบบMahigpit ang kapit ko sa beadsheet ng kamang kinauupuan ko. Talagang idineretso ako ni Draco rito, pero ayun, napagalitan lang siya ng nurse kasi wala naman nga raw akong kahit na anong sakit o injury.
Sa totoo lang ay puwede naman na akong umalis, pero kasi, nag-aalangan ako gawa ng nangyari kanina. Tapos si Trev pa, paano ko i-e-explain ang lahat ng iyon? Not unless kung nakita niya mula simula ang naging drama kanina. Hays. "Hey, wala ka pa bang balak na umalis? Wala ka pang klase?" It was Draco. May napakagandang facial features ang lalaking ito, na medyo baby face siya kung titignan. Not so masculine outside, ewan ko lang sa loob ng shirt niya. Ay! He's also tall, pero mas matangkad pa rin si Trev ko. And he look so cold, lalo ang mga mata niya. Na para bang wala siyang alam na ibang emosyon kundi 'yung pa-ice cold effect. "Meron, pero mamaya ako pupunta. Anyway, thank you nga pala kanina." Natawa ako kunware, nakakahiya kasi kapag naaalala ko na ang bigat ko tapos binuhat niya 'ko. "Well, I don't accept thank you." Nakapamulsa na ito. "Huh?" "Treat me some other time, nangalay ang braso ko." "Ay!" Napakagat ako ng labi. Sino ba kasing nagsabing buhatin niya ako? "Okay si—" Ngunit hindi ko na natapos ang sinasabi ng sumabat na siya't nagsimula ng maglakad palabas. "See you around." "Ay, napaka naman no'n!" Reklamo ko. Then, my phone buzzed. Nakatanggap ako ng text message mula kay mama. Pero hindi ko na napagtuonan ng pansin 'yon ng mapansin ng pagpihit ng seradura. Agad akong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Baka mamaya ay kung sino na naman 'yon at mapaglaruan na naman ako. Don't breath Julianna. Stop muna. Pigilan mo muna 'yan. Napapikit na lang ako. "Babe?" Huh? Napamulat ako ng aking mga mata, si Trev ba 'yon? Dali-daling akont bumangon, muntik pa nga akong mahulog sa kama sa ka-clumsy-han ko. Si Trev nga. He was there standing on his basket ball jersey uniform. Pero hindi agad ako lumapit, hindi ko naman sure kung galit ba siya o hindi eh. Ngunit ng dahil doon ay napansin ko ang isa pang tao na nasa loob ng silid. Si Marc Danielle 'yon ah, ka-team ni Trev. Naituro ko pa nga siya sa sobrang gulat ko. "Oh, Hi! Julianna." He even waved at me na siyang ikinatakip ko ng aking bibig. "Don't mind me. Alam ko naman ang lahat. Hehe" "A-hehe." Napatango-tango ako pagkatapos ay humingi ng sagot ang mga mata ko mula kay Trev. He just then nodded. Omg! Doon na lumapit sa akin si Trev, ikinulong niya ako sa bisig niya while asking kung okay lang ba raw ako. Sinasabi niyang kanina niya pa gustong pumunta, at takasan ang practice sa labis na pag-aalala sa 'kin. "Hindi ka ba galit?" Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, ngayo'y ikinulong niya naman ang pisngi ko sa mg palad niya. "And for what?" tanong niya ng deretso. "Eh, kasi. . ." Hindi ko alam kung dapat ko bang banggitin ang pangalan ni Draco. Paano, alam kong mayroon silang bad conflict noon. . . ng dahil sa isang babae. Yes, the woman named Pearl. He was Trev's first love, but all of a sudden Pearl breaks up with him because of Draco. "I trust you, babe. So don't think about anything, okay?" Lumuwag ang pagkakangiti, mabuti naman, hindi ko na kailangan pang mag-explain ng marami sa kaniya. "Can you just promise me one thing?" Napatingin ako sa kaniya, poutly lips, nodded at him. "Don't cross paths again with him, hmm?" Sus! Yun lang pala eh, napakadali naman no'n. "Aye! Captain." I even saluted at him na siyang ikinangiti niya. "If that's the case, then let's go." "Ay! Ay! Wait lang, hindi tayo puwedeng magsabay palabas dito. Ano ka ba. Mauna na kayo, susunod na lang ako, ha." Pagpapaalala ko sa kaniya na siyang ikinabuntong-hininga niya. Alam kong hindi niya 'ko ikinakahiya, na gusto nga niyang ipakita sa lahat 'yong relasyon namin, pero kasi importante siya sa akin. "Come on guys, bilisan niyo magdesisyon diyan. Baka mamaya may dumating na." It was Marc Danielle, nagpapaala na siya ang bantay namin sa pintuan. Hinawakan ko ang kamay ni Trev, by that, I am telling him na sumunod sa sinabi ko. "Okay, fine." Trev gave me one last hug, and a kiss on my forehead. "I'll wait for you after school." Tumango ako, ngunit agad ko ring naalala ang tungkol sa text ni mama. Pinapa-uwi nga pala niya ako after ng klase ko mamaya dahil may importante raw siyang sasabihin. Kaya naman agad ko 'yon in-explain kay Trev. Na naintindihan naman niya. In-insist pa nito na ihatid ako sa amin, pero ni-declined ko pa rin. "Magco-commute na lang ako. Ako na ang bahala, hmm." ... "Ma, Pa, nandito na po ako." Bungad ko sa pintuan ng tuluyan akong makapasok sa loob. Hindi naman kami mayaman, hindi rin naman mahirap, masasabi kong nasa middle class ang antas ng pamumuhay namin. Teacher si mama, si papa naman ang nagbabantay sa sari-sari store namin. Hindi kasi siya puwedeng magtrabaho na kailangan ng matinding lakas gawa ng may iniinda itong sakit sa puso. Nagme-maintenance na ng gamot si papa, at iniingatan na rin namin ang kalusugan niya. "Mabuti naman, nakarating ka na anak." Kinuha ni mama ang bag ko't iginiya ako sa dining. "May nangyari po ba mama?" "Basta, pumunta ka na lang dito." Doon ko nabungaran ang dalawang tao na hindi ko naman kilala. Ngunit parang pamilyar sa akin ang babae, hindi ko lang malaman kung nakita ko na ba talaga siya. Yung lalaki naman ay mukhang isang Afam, unang kita ko pa lang alam ko nanf ibang lahi 'to. "Maupo ka, 'nak." Puwersahan pa ng ako ni mama na pinaupo. At nang muli kong balingan ng tingin ang babaeng kaharap ko na ay umiiyak na ito. "B-bakit po? Ma? Sino ba sila? At saka, nasaan po si papa?" Tatayo pa sana ako pero nagsalita na ulit si mama. "Anak, makinig ka ha. Alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko. Pero sana buksan mo ang isipan mo, okay. At sana maintindihan mo kami kung bakit nagawa namin ang nagawa namin." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Hindi ko siya magets. Hanggang sa ipaliwanag na nila sa akin lahat. Nagtagal kami ng halos kalahating oras sa kinauupuan namin na punong-puno na ng luha ang mga bata. So, anak ako ng kaibigan ni mama way back College days nila. Inabandona niya ako para sa pangarap niya? Tapos ngayon, gusto niya akong bawiin, kung kailan malaki na ako? At ending ay tatapalan lang ako ng pera, ng karangyaan para tanggapin ko siya? I ended up, not choosing her. Pero hindi ko siya itinakwil, pinatawad ko siya. Hindi ko nga lang maatim na basta sumama sa kanila kahit pa ilang pilit na rin ni mama sa akin, dahil mas gaganda raw ang buhay ko sa kanila. Hindi ko tinanggap ang alok, pero hindi ko rin naman isinara ang pinto ko sa opportunity na 'yon. Pero hindi ako nag-atubili na tanggapin ang offer nila na ipa-opera si papa. Tinawagan ko si Trev at ipinaalam sa kaniya ang operasyon ni papa, pero ang detalye tungkol sa tunay kong magulang ay saka ko na lang sasabihin, sa personal na lang. Nangako rin ako sa kaniya na babalik agad para makaabot sa Competition nila. Chinat ko rin ang mga professors ko, nagpaalam ko ng kahit isang linggo na pag-absent para mabantayan si papa. Kung hindi sila papayag ay magd-drop out na lang ako. Mas importante si papa kahit na sa anong bagay pa man sa mundo. ... 1 week later. Late na 'ko nakarating ng Campus, and as I heard, natapos na rin ang basketball play nila Trev. Tiyak na magtatampo 'yon dahil hindi ako nakapanood. Eh, kasi naman ang aga-aga traffic na agad. Hays. I was in my way to the basketball room nila, pasimple lang akong naglakad at baka makaagaw na naman nga ako ang atensiyon ng mga marites sa daan. Wala na 'kong nabiling regalo, pero tiyak na matutuwa ito kapag nakita ako. "Uy, si Marc Danielle 'yon ah." Usal ko. Busy ito sa cellphone niya, mukhang may kasagutan ah. Ngunit ng makita ako ay hindi ito nag-atubili na kausapin ako. Pabulong ko siyang tinanong kung nasaan si Trev. "Dumiretso ka na do'n, alam mo naman 'yon, 'di ba?" anito. Tinanguan ko siya't ni-congratulate na rin. "Grabe, isang linggo rin ang lumipas. Missed ko na ang lalaking 'yon. Tiyak na magugulat siya kapag nakita ako." May pangisi-ngisi pa ako, na para bang ako lang ang tao sa building. "Ipagluluto ko na lang siya ng favorite niyang kare-kare at garlic rice, hmmp. Siguradong mawawala lahat ng tampo nun sa pagkawala ko sa game nila. "Ano pa ba? Ay, mag-movie marathon na rin kami." Malapit na ko sa room nila, ngunit malayo-layo pa lang ako'y nakita ko nang nakabukas ng pintuan kaya naman dahan-dahan lang akong naglakad. Silipin ko muna kung sinong mga naroon. "Congrats sa atin, mga pre!" Napangiti ako, masaya silang nagtatawanan sa loob. Congrats guys. "So, tuloy tayo, mamaya? Sabi ni coach may after party. Dapat daw lahat pupunta," ani ng isa sa kanila na hindi ko na malaman kung sino. Nakasandig na lang din kasi ako sa may pader, at hindi pa pumapasok. "Sorry guys, I can't sa susunod na lang ako." It was Trev. Medyo napasilay ang ngiti sa labi ko. Okay lang naman sa akin na sumama siya, puwede namang saka na lang kami mag-celebrate na dalawa. "Bakit Trev? Ano ka ba, ikaw ang team Captain tapos ikaw pa ang wala?" Reklamo sa kaniya ng isa. "Oo nga." "Sus, asa pa kayo guys, eh for sure mag-c-celebrate 'yan kasama 'yung matabang babae sa MassCom. Ikaw Trev, akala mo hindi namin alam no. Puwes alam namin lahat." Napatakip ako ng bibig, OMG! Bakit alam nila? Nakita ba nila kami o baka sinabi ni Marc Danielle. Hays. "Alam mo, ang dami namang babae, ba't 'yon pa?" Medyo nalungkot ako. Heto talaga 'yung ayaw kong mangyari eh. Yung pagtatawana siya dahil sa akin. "She's bright, natutulungan niya ako sa Acads ko—" "Sabi ko na eh, so ano siya bang gumawa ng mga projects mo?" tanong pa ng isa. "Yes." Napatakip ako ng bibig. Napuno ng tawanan ang silid. "I knew it! Alam naman naming si Pearl talaga ang mahal mo. Nasubaybayan kaya namin ang love story niyong dalawa eh." Napalunok ako. Bakit walang sinasabi si Trev? Nagpasya ako na sumilip na sa kanila. Hindi naman nila ako mapapansin dito. "Wait hindi mo ba alam, pre? Si Pearl nga pala, balita namin bumalik na siya kahapon pa. And as I heard, one of this days ay pupunta siya riro." "Really? That's good news then," iyon ang sagot ni Trev sa kanila. Kitang-kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya bago siya tumalikod upang ilagay sa sapatos sa locker niya. "Dapat ata pre, ngayon pa lang makipaghiwalay ka na sa big dump na 'yon, baka kapag nalaman pa ni Pearl ang tungkol diyan ay kung ano pa ang magawa dun sa babae." "Yeah. I'll do it, just shut your mouth up. At 'wag mo 'kong pangunahan sa mga gagawin ko sa buhay ko. I know how to put things on places." Doon gumuho ang mundo ko. Is Trev, serious on what he just said? Pero. . . Kilala ko siya. He would never do that to me. Hindi siya mag-iisip na makipaghiwalay sa akin. He promised. "Pinapaalalahanan ka lang namin Pre, ano ka ba. Hindi naman kasi talaga bagay sa 'yo ang babaeng 'yon. Ang pangit kaya ng katawan no'n, malaki lang sus* nun dahil sa fats eh." Then they all laughed, na hindi ko na kinaya. Mas lalo nang marinig ko rin ng pag-igik ni Trev. And that pushed me na umalis na, I don't want to hear anything na makakasama pa sa kalooban ko. How could he? He laughed at me? Akala ko ba'y dapat na mahalin ko ang sarili ko and never let anyone push me down? Pero bakit ginawa niya? Puro ba kasinungalingan lahat ng sinabi niya? He let me fall on him, did he just used me for Acads? No. No. No. I know he loves me, araw-araw niyang sinasabi 'yon. But then, all my doubts fades away when his laugh struck on my head. I took my phone, and dialed my biological mother's number. This will be my dumbest decision in life, but what can I do, I'm hurt. "Hello po? Tinatanggap ko na ang offer niyo, sasama na ako sa inyo sa America."“Or are you with your son's father...” Napapikit si Julie nang mariin habang sumasandal sa driver's seat ng janiyang kotse. Napapaisip na lang siya kung bakit biglang nagsabi ng gano'n si Trevor sa kaniya. May nalaman kaya ito tungkol sa amin ni Tyler? Napangiwi na lang akk habang nag-aabang na umusad ang mga sasakyan sa harapan ko. Hindi ko rin talaga alam kung ano ang dapat na i-react, pero ang panalangin ako ay sana walang natuklasan ang lalaking iyon. Ipinangako ko sa sarili na hindi niya puwedeng malaman ang tungkol sa amin ng anak ko.. "Kailangan nang matapos ng kalokohan na ito, after ng project ay puputulin ko na ang ugnayan na nagtatali sa amin sa kaniya." Saktong alas-otso na ng gabi nang makarating si Julie sa apartment. Pagkabukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng tahimik na sala dahil mahimbing nang natutulog si Tyler sa loob ng silid nito pagkatapos mag-asikaso ng sarili sa tulong ng kaniyang ninong. Si Draco naman ay nakaupo sa may maliit na counter sa kusina,
Ting.Thank God! Sa wakas ay tumunog ang elevator at bumukas ang pinto sa ground floor lobby. Bago pa man tuluyang makasagot si Trevor o mas humakbang pa palapit sa kaniya, mabilis nang inayos ni Julie ang hawak na notebook at humakbang palabas.Ngunit sa kasamang palad, hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay muntik na siyang mabangga sa isang babaeng nakatayo eksakto sa harapan ng elevator door.Nakilala ni Julie ang babae ngunit hindi aila close para kahit ngiti at ibigay niya rito. Kitang-kita ang labis na karangyaan sa kaniyang hitsura. Naka-luxury dress ito na hapit sa kaniyang katawan, plakado ang makeup, at bawat kilos ay nagpapakita ng kaniyang pagiging pino at elegante sa araw na iyon. Ang mga mamahaling alahas na suot nito ay nangingislap pa sa ilalim ng ilaw ng lobby, na nagpapatunay na galing ito sa mataas na antas ng lipunan.Nanlaki ang mga mata ng babae nang makitang lumabas si Julie, at agad na napalitan ng matinding pagkagulat at pagtataka ang kaniyang mukha nang mapagt
Kinaumagahan, nagising akong mabigat pakiramdam ko. Nagpabalik-balik sa utak ko ang mga sinabi ni Draco kagabi habang nagluluto ako sa kusina. “Kung tuluyan niyang malalaman ang tungkol kay Tyler... sa tingin mo ba hahayaan ka lang niya? Mag-uusisa at mag-uusisa 'yan.”Naging balisa ako habang nag-aayos ng sarili. May punto naman kasi talaga si Draco, masyadong makapangyarihan ang pamilya Dominguez, at kung magpapatuloy ako sa pagiging kampante, baka isang araw ay magising na lang akong inilalayo na sa akin ang anak ko—at 'yon ay kung malaman nila ang sikreto ko.Kaya naman, nang dumating ang oras para sa susunod naming schedule na kunan ng mga footage ang kumpanya ni Trevor ay naging mailap ako ng bahagya. Kahit na alam kong wala naman talagang kailangang ika-ilap dahil puro trabaho naman ang gagawin, pilit ko pa ring nilagyan ng mataas na pader sa pagitan naming dalawa para protektahan itinatago ko.Mahirap ng iwasan 'to ngayon, lalo't nasimulan na."Julie, okay ka lang ba? Parang k
Saktong alas-otso na ng gabi nang makarating ako sa apartment, masyadong traffic sa daan. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay sinalubong na agad ako ng maingay na tunog ng mga pagsabog at sigawan mula sa telebisyon sa sala."Ninong Draco, watch out! Sa likod mo, may kalaban!" malakas na hiyaw ni Tyler habang mabilis na pumipindot sa kaniyang hawak na controller."Chill ka lang, Ty! Ako pa ba? Sisiw lang 'to—ay, pusa naman oh! de@ds na ako!" maktol naman ni Draco sabay bagsak ng katawan sa sofa, kunwari ay dismayadong-dismayado.Napatitig na lang ako sa kanila habang napapailing na lang sa dalawa. Pero infairness kay Draco, kahit napakatabil ng dila ng isang 'to at sumbungerong tunay kay Zun Jay, maaasahan naman talaga pagdating sa inanak niya. Nakita kong bagong ligo na si Tyler, nakasuot na ng kaniyang paboritong pajama, at mukhang mabango pa ang buhok. Nakapag-asikaso na siya ng sarili niya sa tulong ng ninong niya."Mommy!" Sigaw ni Tyler ng mapansin ako. Mabilis nitong ibinaba ang c
Kakababa lan ni Zun JAy ng tawag kaniya sa kaibigang si JUlie. Medyo matigas ang ulo ng kaibigan kaya nagkaroon sila ng medyo matagal na pag-uusap. Kung hindi pa ibinalita sakaniya ng kaibigang si Draco ang tungkol sa pagkikita nila ng kaniyang dating ex ay hindi pa niya malalaman ng direkta rito ang totoo.They've been friends since Julie was carrying his son on her belly and until now. He treated her as a little sister na kailngan pang pagsabihan at protektahan sa lahat ng bagay.Medyo mahina si Julie pagdating sa mga pagdedesisyon kaya karaniwan ay kapag may gagawin siya na medyo magulo sa utak niya'y tumaatawag ito sa kaniya, kung hindi man ay kay Draco na halos lagi naman nitong nakkasama o nakikita. At si Draco na lang din ang magpapaaot sa kaniya."Dr. Constantine, kailangan po kayo sa ward 24 nagising na po ang pasyente nito," iyon ang sabi ng nurse na may maliit na mukha, maiksi ang buhok na hanggang leeg at nakasuot ng reading glasses, nakasalubong ito ni Zun Jay sa hallw
"Ano Julie, hindi ka pa ba uuwi?' nakaready nang umalis si Ben pero ako ay mukhang maiiwan na lang saglit dahil sa biglang pagtawag ni Zun JAy, hindi ko puwedeng palampsin 'to. Once in a blue moon lang ako kung maalala ng kaibigan ko na ito eh. At saka sawang-sawa na ako sa pagmumukha at mga rants ni Draco."Sige na, mauna ka na. May importante lang akong kausap. Tapos dadaan din ako sa pantry para kumuha ng tubig," sabi ko sa kaniya na para bang sa building na ito kami nagtatrabaho para magbaon pa ako ng tubig palabas."Okay sige. Magkita na lang tayo bukas ha. Basta isesend ko sa 'yo 'yung na-edit ko." Tuluyang pagpapaalam ni Ben."Okay." May kalakasan niyang sagot at saka muling bumalik sa kinakausap sa kabilang linya."Who is that?'- Zun Jay"Ah, yung partner ko, si Ben. Nakwento ko na siya sa 'yo di ba?" Sagot ko at saka naupo ulit sa isang couch sa harapan ng billiard table."Ah.""Grabe, sobrang tipid naman ng sagot. Ano nang isasagot ko niyang pabalik? Tsk. Napaka mo talaga e
ANG MAHIHINANG tunog ng computer keyboards mula sa loob ng executive offices ang tanging maririnig sa Top floors ng SD Enterprise, habang ang makapal na carpet sa hallway ang sumasalo sa bawat yabag ng mga empleyado. At sa pinakadulong bahagi ng floor ay naroon ang opisina ni Mr. Trevor Dominguez.
Napatawa ako, pero kunwari lang. "Ano ka ba? Paano naman tayong magiging magkakilala, ngayon pa nga lang kita nakita. At saka baka namukhaan mo lang ako sa tv niyo. Alam mo kasi reporter ako eh." Ang dami na ng sinabi ko kahit hindi naman niya tinanong. "Reporter?" Kunot-noo na tanong niya. "Y
Naging maingat ako sa paglapag ng aking bag sa table, hindi ko magawang mag-ingay sa harapan ni Draco dahil may kausap ito sa cellphone niya na parang seryoso. Pero napansin niya ako, kaya sabay niya sinenyas sa akin ang gawing patungo sa c.r. So, gets ko na. Tinanguan ko siya't dumiretso sa gawi r
Seven years later. "Good morning mommy." Iyon ang masayang bungad ng anak kong si Tyler sa akin. Buo na agad ang araw ko dahil sa makulit na batang ito. He kissed me on cheeks bago naupo at nagsimulang kumain ng almusal. "Good morning baby, so, what's for todays plan, huh? It's weekend." Umil







