LOGINLunes. Sa Opisina ng CEO ng SD Enterprise.Inilapag ni Ben ang bitbit na heavy-duty bag sa makintab na sahig. Walang imik niyang binuksan ang zipper nito aT binuhat ang tripod. Mabilis niyang inilatag iyon, at isinampa ang mabigat na 4k cinema camera bago iniharap ang ilaw.Sa katabing upuan, salo ng malambot na couch si Julie, habang hawak ang kanyang tablet, mabilis na pabalik-balik ang kumpas ng kanyang hinlalaki sa screen. Bahagyang nakakunot pa ang noo nito. Binabasa niya ang listahan ng mga asset ng kumpanya para sa taong 2026, habang ang kabilang kamay ay awtomatikong nag-aayos ng kuwelyo ng kanyang kulay-asul na blazer. Huminga siya nang m6alalim, pinatUnog ang mga daliri, at saka itinuwid ang upo."Julie, pakisalo," bulong ni Ben. Inihagis niya ang isang itim na wireless transmitter.Nasalo ito ni JuLie nang hindi tumitingin. Sanay na niyang isinoot ang manipis na kable sa loob ng kanyang blazer at isinabit ang maliit na mikropono sa kanyang neckline."Wow, walang kupas talag
Nakataas pa ang dalawang kamay ni JUlie habang nag-iinat ng kamay niya. Katatapos lang niya mag-finalize ng reports na ipapasa sa editor na si Mr. George. Nahihingi kasi ito ng update regarding the project na ibinigay sa kaniya, at gusto nito ng nakadocument pa. Wala pa naman talagang progress sa pinapagawa nito dahil ni simula nga ay wala pa silang nagagawa."Oh, ano? Tapos na?" Tanong ni Ben sa kaniya na bigla na lang sumulpot sa may likuran niya."Tingin mo?" Sagot niya. "Ito na ang pinakamahirap na ginawa ko, hay naku." Binunot ni Julie ang USB drive niya after na magsend sa boss ang file na ginawa. "Bahala na si batman, eh sa talagang wala pa naman tayong nagagawa eh." "Kulitin mo na kasi si Mr. Dominguez, na dapat bukas eh matuloy na Ang interview. Baka naman kung kailan nandoon na tayo magkaproblema na naman." Bulong ni Ben habang inaayos ang camera nito sa bag. "Oo na, mamaya magsesend ako ng email." Medyo nakabusangot na sagot ni JUllie. "Lalabas ba tayo ngayon?" Segunda
"Good Morning sir." Iyon ang naging bungad ng lahat na magkasalubong ni Trevor ng umagang iyon. Wala pa siyang ligo, walang bihis ngunit respetado pa rin ng mga empleyado niya. Ngunit hindi lang siya makasagot dahil wala pa siyang toothbrush mula paggising."Sir, sinsabi ko sa iyo, 'wag kang magsasalita, ha?" Pabulong ni Sergio habang nasa elevator sila."Shut up,"mahina niya lang na sagot rito. May iilang empleyadong kasama nila ngunit walang isa man ang nagsasalita. Gano'n naman kapaga ng boss at empleyado ay nagkakasama sa iisang lugar ay biglang tila dinaanan ng Angel ang lugar.Narating nila ang executive floor, malayo pa si Trevor ay natanaw na niya pagtayo at saka ang pagtakbo ni Miel papalapit sa kaniya."Sir, mabuti naman po dahil nandito na kayo, may problema po kasi.""Yeah. I know." Naibalita na ni Sergio sa kaniya."Sir?" Tanong ni Miel na para bang takaang-taka sa sinabi nito."Where is he?" Tanong ni Trevor."Ahhm... Nasa Opisina niyo po, sir.""Okay, bring me some co
"Hoy!!!" Agad na inagaw ni Julie and underwear niya na bulaklaking kulay yellow sa kamay ni Trevor. Agad niya iyong itinago sa likuran niya habang masamang nakatingin sa lalaki. Kagat niya ang pang-ibabang labi, dala ng hiya sa nangyari."S-sorry, I didn't ment to hold it, it's just that I need to wash my hands. At nakakasagabal Iyan," tumigil si Trevor at itinuro si JUlie pero ang itinuturo niya talaga ay ang undies nito."Tse! 'Wag ka nang magsalita," anito. "Bakit hindi mo na lang kasi ako tinawag?" Medyo paangil na sabi nito sa lalaki."Hindi ko naman akalain na... Iba pala 'yan, akala ko kung ano lang na nakapatong dito. Sorry ulit." Pilit na pagpapaliwanag ni Trevor kahit na medyo nasa delikadong sitwasyon siya. Sandaling napakamot na nga lang ito ng kaniyang ulo sa nagawa."AY, Ewan ko sa 'yo, ang mabuti pa lumabas kana diyan. Tapos umalis ka na," nakakainis pang bulyaw nito nasiyang nakapagpatayo kay Tyler sa kinauupan niya upang mag-usisa sa ina at Uncle daddy nito."Mommy,
ALAS-SINGKO ng umaga ang alarm ni Trevor sa cellphone niya. Sobrang aga pa niyon sa tipikal na oras ng kaniyang pagising. Ngunit dahil iyon ang usapan nila ni Julie na kailangan din niyang umalis bago sumapit ang alas-sais ay wala siyang magagawa. Subalit kahit na gano'n ay hindi nman siya nahirapan, mas naging maayos pa nga ang tulog niya kahit nitong gabi lang. Gising na rin si TYler ng mga oras na iyon dahil may pasok pa siya sa school. Nang magising nga ito ay agad na niyakapsi Tyler art binati ng 'good morning.'"Paano ba natin liligpitin pabalik ang mattress na ito, Ty?" Tanong nito sa bata na ngayon ay nakaupo pa sa sofa. "Ay, sige po Uncle Daddy tuturuan kita." Patalon na bumaba si Tyler pagkakaupo. "Ganito lang po 'yan Uncle Daddy, come on po, help me."Itinuro ng bata ang dapat na gawin ni TRevor, simula sa pag-akyat ng mga unana sa sofa hanggang sa kung papaanong kailangang itupi ang mattress.Kung kagabi ay naging madali lang sa kaniya ang pagbubuhat no'n ngayon ay nah
PANAY ang hampas ng malakas na hangin sa bintana ng kwarto ni Julie, kasunod niyon ang isang nakakagulat na dagundong na tila bumasag sa katahimikan ng madaling-araw. Agad na napadilat si Julie. Mabilis ang naging paghinga niya, kahit kailan talaga ay takot siya sa ulan sa gabi na may kasama pang kulog. Habang ang kaniyang mga palad ay agad na nakakapit nang mahigpit sa manipis na kumot. Gumuhit ang liwanag ng kidlat sa kisame ng kaniyang kwarto, sandaling nag-iwan ng mga mahahabang anino bago muling nilamon ng dilim ang paligid.Nagdesisyon na bumaba si JUlie sa higaan, tumingin siya sa bakanteng espasyo sa kaniyang tabi—naalala niyang hinatak si Tyler ng sarili nitong mga paa palabas para tabihan si Trevor sa sala. Nangulit pa ng ito na tumabi siya sa kanila, talagang nagrason na lang siyang marami pa siyang gagawin.Sa mata ng iba ay isang malayong tao si TRevor sa kanila para gano'n na lang niya itong pagkatiwalaan sa anak. Ngunit may katotohanan na siya ang may alam, tataas man
Mahinang pumapatak ang ulan sa labas ng apartment nina Julie ng gabing iyon. Hina na sapat lang para marinig ang banayad na pagpitik ng tubig sa bubong at sa mga bintana. Mainit ang pakiramdam sa loob ng apartment ng mag-ina sanhi ng nakabukas ang maliit na ilaw sa dining area. Napuno ang hapagka
Naging tahimik na ang loob ng sasakyan habang binabaybay ni Trevor ang kalsada. Mula sa bintana ay tanaw ang mahabang hanay ng mga sasakyan na halos gumagapang ang trapiko. Naroon ang mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng daan, mga empleyadong nagmamadaling tumawid, at mga tindahang unti-unti nan
Dapat ay mags-site visit sila sa Monday, pero dahil sa balita nga na narinig ni Julie ay plinanom niyang magkaroon sila ng maayos na schedule ni Trevor sa i-do-document nila. Kailangan niya ang mas mataas na posisyon kaya kailangan niya ring pagpaguran iyon. Bale, nagset vup pa rin sila ng camera
Julie's POV "So, mind telling me what happened?" Nakaupo si Draco sa harapan ng hapagkainan, may isang baso ng malamig na tubig sa harapan niya. At sa ekspresyon ng mukha nito ay wala siyang balak na palampasin ang gabi na hindi ako nakakapagpaliwanag sa kaniya. Pero naman ang dapat na ipaliwanag







