CHAPTER 19 Kinabukasan ay maagang maaga naman na nagising sila Lucas at Athena dahil kailangan nilang pumunta ng maaga sa airport. Ayaw nila na magahol sila sa oras kaya minabuti nila na pumunta nang mas maaga roon. “Manang kayo na po muna ang bahala rito. Kung magkaroon po ng problema ay tawagan nyo na lamang po ako kaagad,” bilin ni Lucas sa matanda pagkababa niya ng hagdan. “Sige hijo. Mag iingat kayo roon ng iyong asawa ha. Mag enjoy ka roon at magrelax dahil hindi ka na nakakapagpahinga. Wag mo kaming isipin dito dahil akong bahala rito sa iyong mansyon,” nakangiti naman na sagot ni Manang kay Lucas. “Sana pagbalik ninyo ay mayroon na ulit akong bagong aalagaan,” biro pa niya. “Naku Manang ikaw talaga. Sige na po… aalis na po kami,” pagpapaalam ni Lucas dito at napapailing na lang siya dahil sa huling sinabi ng matanda. “Aalis na po kami Manang. Ba-bye po,” paalam din naman ni Athena sa matanda. “Mag iingat kayo roon hija ha. Ikaw na muna ang bahala sa alaga ko,” sagot nama
اقرأ المزيد