CHAPTER 46Kinabukasan naman ay nagising si Athena sa mga kaluskos sa kanyang paligid at pagmulat niya ng kanyang mata ay agad niyang nabungaran si Lucas na nakasubsob sa may tabi niya habang nakaupo at hawak hawak pa nga nito ang kanyang kamay.“Gising ka na pala, hija. Nagugutom ka na ba? May dala kaming pagkain para sa inyo,” sabi ni Manang ng makita niya na gising na si Athena.“M-Mamaya na lamang po manang,” sagot ni Athena rito at saka siya muling napatingin kay Lucas. “K-Kanina pa po ba siya tulog dito?” hindi na niya napigilan na tanong.“Nadatnan ko na siya na mahimbing na natutulog dyan. Gigisingin ko na nga sana siya pero mukhang napasarap ang tulog niya dahil kahit nakakagawa na ako ng ingay ay tulog pa rin siya kaya hinayaan ko na lamang din na matulog muna siya r’yan,” sagot ni Manang.Bigla namang nakaramdam ng awa si Athena kay Lucas dahil kung titingnan mo ito ay parang hirap na hirap nga ito sa pwesto nito.“L-Lucas, Lucas gumising ka na muna. Humiga ka na muna roon
더 보기