CHAPTER 57“Salamat, Myca. Salamat dahil palagi kang nariyan para sa akin. Pasensya ka na kung ikaw pa talaga ang inabala ko,” sagot ni Athena rito.“Ayos lang yun, Athena. Naiintindihan naman kita,” sagot ni Myca at saka niya matamis na nginitian ang kanyang kaibigan. “Ang mabuti pa ay matulog ka na para makapagpahinga ka na ng maayos. Tama na yang pag inom mo ng alak dahil hindi yan maganda sa katawan mo. Baka lalo ka lang magaksakit sa kakainom mo ng alak na yan,” dagdag pa niya at saka niya inilayo ang alak sa kanyang kaibigan. Agad naman na dinampot ni Athena ang isang baso ng alak na nasa harapan niya at saka niya iyon inisang lagok.“Tsk. Sabi na kasi na tama na yan e,* sabi ni Myca nang makita niya ang ginawa ng kanyang kaibigan.“Last na yun, promise,” agad naman na sagot ni Athena at saka siya umayos ng kanyang pagkakaupo. “Salamat talaga, Myca. Salamat at palagi kang handa na puntahan ako sa oras na kailangan ko ng makakausap. Kahit kelan din talaga ay maaasahan kita kaya
Read more