CHAPTER 96“Athena, are you okay?” puno naman ng pag aalala na tanong ni Michelle ng mapansin niya na biglang natigilan ang kanyang kaibigan habang nakahawak ito sa tyan nito.“M-Mich… p-parang manganganak na yata a-ako. Ahhh,” nauutal pa na sagot ni Athena sa kanyang kaibigan at napasigaw na lang talaga siya ng bigla na namang sumakit ang tyan. Hindi na rin nga maipinta ang mukha niya dahil talagang ngagon lang niya naranasan ang ganoon.Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa sinabi na iyon ni Athena kaya naman bigla rin siyang nataranta ng bigla nga itong sumigaw.“Oh my god. Manganganak ka na nga siguro. Teka… a-anong gagawin ko? B-Bubuhatin ba kita? Wait lang… p-pero hindi kita kaya. Sandali hihingi ako ng tulong,” tarantang taranta naman na sabi ni Michelle dahil talagang hindi niya alam ang kanyang gagawin sa kanyang kaibigan.“AHHHHHHH…. ang sakit, Mich,” sigaw pa ni Athena at napapapikit na lang talaga siya ng mariin ng biglang nagsunod sunod ang paghilab ng kanyang tyan.M
Read more