CHAPTER 30Maya maya naman ay dumating na si Lucas sa mansyon at ang una niyang nakita ay si Manang na galing sa garden area.“Nariyan ka na pala hijo. Halika na muna rito at kumain ka na muna,” sabi ni Manang ng makita niya si Lucas.“Si Athena po manang? Dumating na po ba ang mga kaibigan niya?” agad na tanong ni Lucas sa matanda.“Oo, hijo. Nariyan na ang mga kaibigan ng asawa mo. Nakakain na rin sila at ngayon ay naroon sila sa garden,” sagot naman ni Manang.“Ganon po ba. Marami po ba sila?” tanong pa niya.“Tatlo lamang naman ang dumating na kaibigan ng iyong asawa at mukhang mababait naman sila. Nagrequest na rin ng alak ang iyong asawa at nadala ko na rin ito roon,” sagot pa ni Manang. “Kumain ka na muna hijo bago mo sila puntahan doon,” dagdag pa niya.“Kumain na po ako Manang. Salamat na lang po,” sagot ni Lucas. “Sisilipin ko lamang saglit ang aking asaw,” dagdag pa niya at saka siya diretso na naglakad papunta sa garden.Nasundan na lamang naman ng tingin ni Manang si Luca
더 보기