CHAPTER 62“I-I’m sorry,” sagot ni Lucas at nagyuko na lang talaga siya ng kanyang ulo dahil aminado naman siya na may mali rin siya. “Sorry kung hinayaan ko na pumunta punta pa roon si Erick. Pero simula ngayon pinapangako ko na hinding hindi na ulet siya makakaapak sa opisina ko. At ipinapangako ko rin an hinding hindi na ako maglilihim pa sa’yo. Pangako yan,” dagdag pa niya.“Hindi mo na kailangan pang mangako dahil mas mabuti nang tapusin na natin ito ngayon pa lang,” sagot ni Athena.Gulat na gulat naman si Lucas sa sinabi na iyon ng kanyang asawa.“What do you mean?” kunot noo pa na tanong ni Lucas kay Athena.“Hindi ba at mayroon tayong kasunduan na pinirmahan at oras na may linabag tayo roon ay mawawalan ng silbi ang kasunduan na yun. At dahil dyan sa ginawa mo ay siguro naman dapat na dahilan na yun para tapusin na natin ito,” sagot ni Athena habang nanatilo siyang seryosong nakatitig sa mga mata ni Lucas.“No! Hindi yan maaari. At isa pa wala naman kaming relasyon ni Ericka
Magbasa pa