EVEHindi ko alam kung paano ko nagawang manatiling kalmado habang kaharap muli si Denzel matapos ang limang taon. Sa totoo lang, simula pa lang nang sabihin ni Clara na dumating na ang mga Bowles sa building, halos hindi na mapakali ang dibdib ko. Kahit habang nakatayo ako sa harap ng malaking glass window ng boardroom at kunwaring abala sa tablet ko. Naramdaman ko na ang malamig na pawis sa palad ko. Limang taon ko iyong inisip. Limang taon kong pinaghandaang muli ko siyang makita. Pero ngayong nandito na talaga siya sa harap ko, saka ko naramdaman kung gaano kahirap pigilan ang emosyon na matagal kong pilit ibinaon.“I can do it…wala akong dapat ikabahala. Siya lang naman iyon. He's just nobody…” bulong ko.Gayunpaman, hindi puwedeng makita niya iyon. Hindi puwedeng malaman niyang kahit matapos ang limang taon ay kaya pa rin niyang guluhin ang sistema ko sa simpleng presensya lang niya. Kaya nang humarap ako sa kanila, pinilit kong manatiling kalmado at propesyonal.At kitang-kita
최신 업데이트 : 2026-05-28 더 보기