ANDREA Makalipas ang ilang buwan mula nang magsimula ng sariling negosyo si Renjie, masasabi kong mas naging maayos na ang takbo ng buhay niya. Hindi man agad naging malaki ang motorcycle repair shop niya, unti-unti itong nakilala sa lugar nila dahil maayos siyang magtrabaho at hindi siya nananamantala sa presyo. May mga customer na nagpapaayos ng motor, nagpapalit ng gulong, nagpapalit ng langis at bumibili ng mga gamit tulad ng spark plugs, brake pads, interior, chain lubricant at iba pang kailangan sa maintenance ng motor. Kaya halos wala na siyang araw na wala siyang ginagawa. Ako naman ay tuluyan nang nakabalik sa normal kong gawain dahil naibalik na sa akin ni Mommy Eve ang lisensya ko. Kaya ko nang magmaneho papunta sa opisina at umuwi nang hindi na kailangang hintayin si Renjie. Pero kahit ganoon ay madalas pa rin kaming magkita. Kapag maaga akong natatapos sa trabaho at wala akong meeting sa gabi, dumadaan ako sa shop niya para dalhan siya
Mehr lesen