EVENANAtili ang mga mata ko kay Denzel. Kahit ano pa ang sabihin ko, wala na talagang nagbago sa nararamdaman ko. At kahit sinabi niya sa akin na mahal niya ako, hindi pa rin ako naniniwala. Duda pa rin ako sa sinasabi niya. Naisip ko kasing baka pakana niya lang ang lahat. Baka gusto niya lang mamangka sa dalawang ilog. Na baka kapag nagsawa na naman siya sa akin, doon na siya ulit kay Celeste.Ayoko ng magmukhang tanga sa huli. Ayoko ng magmukhang kawawa. May anak naman ako…at napapasaya ako ni Andrew kahit wala si Denzel."Alam mo, Eve, napansin ko na habang tumatagal ay mas lalo kang nagiging cute kapag nahihiya."Agad akong napalingon sa kanya."Sino'ng nahihiya?""Ikaw.""Ako? Baliw ka ba? Bakit naman ako mahihiya sa iyo? Ikaw nga ang dapat mahiya diyan!”Tumawa siya habang si Andrew naman ay natatawang nakatingin sa amin."Mommy, namumula ka po.”Agad kong pinandilatan ang anak ko."Andrew!"Tumawa ng malakas si Denzel at mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Andrew."Mommy n
Read more