登入EVEDUMAAN ANG ILANG ARAW. Naging abala ako dahil may paparating na event. At ngayon na nga ang araw na iyon.Pagpasok ko sa ballroom ay wala naman talaga akong balak na makipag-usap kay Celeste. Sa katunayan, nang makita ko pa lamang siya sa kabilang bahagi ng venue, agad ko ng pinili na ituon ang atensyon ko sa ibang tao. Nandito ako para sa negosyo at hindi para sa personal na drama. Matagal ko nang natutunan na walang magandang maidudulot ang pakikipagtalo sa mga taong sarado na ang isip. Ngunit mukhang hindi ganoon ang plano ni Celeste ngayong gabi dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nakita ko siyang papalapit sa direksyon ko.“Mukhang gagawa na naman ng eksena ang baliw na ito,” mahinang usal ko.Nakasuot siya ng mamahaling gown at maayos ang pagkakaayos ng buhok niya ngunit kahit gaano pa niya subukang magmukhang kalmado ay kitang-kita pa rin ang tensyon sa mukha niya. Parang ilang gabi na siyang hindi nakakatulog nang maayos. Nang tuluyan siyang huminto sa harapan ko ay
DENZELHindi ako nakatulog nang maayos ng gabing iyon. Matapos ang pag-uusap namin ni Celeste ay halos magdamag akong nakatitig lamang sa kisame. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang mukha niya habang nagtatanong kung mahal ko pa ba siya.Kinabukasan ay maaga akong bumaba sa kusina. Akala ko ay makakapag-almusal ako ng tahimik ngunit pagpasok ko pa lamang, agad ko nang nakita si Celeste na nakaupo sa mesa. Mukhang kanina pa siya gising. May tasa ng kape sa harapan niya ngunit halatang hindi naman niya iyon iniinom. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na sana gustong makipag-usap. Ngunit mukhang wala akong pagpipilian. Agad akong naupo sa kabilang dulo ng mesa at nagsimulang kumain.Ilang minuto kaming walang imik. Hanggang sa siya rin ang unang nagsalita."Denzel."Hindi ako agad tumingin sa kanya."Ano?""May itatanong ako."Napahinto ako sa pagkain. Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya. Parang may kung anong desperasyon do
DENZELBuong biyahe pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa park. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang mukha ni Eve nang maglapat ang mga labi namin. Kahit na simpleng halik lang iyon, hindi ko maikukubling kinilig talaga ako. Lalo pa't anak namin ang may pakana. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung aksidente lang ba talaga iyon o sadyang may bahagi sa akin na ayaw umurong noong mga sandaling iyon. Ilang beses akong napailing habang nakahawak sa manibela dahil pakiramdam ko, unti-unti nang nawawala ang kontrol ko sa mga bagay na dati ay kaya kong kontrolin.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isang bagay lamang ang malinaw sa isip ko.Masaya ako.Pakiramdam ko ay may direksyon ulit ang buhay ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang saya ng simpleng paghawak sa kamay ng anak ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang pakiramdam na may batang tumatawag sa akin ng "daddy" na hindi dahil sa obligasyon kun'di dahil gusto niya.At habang naiisip ko iyon ay lalo lamang sumisikip an
EVEPagkauwi ko sa mansion ng gabing iyon ay agad kong naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Mula pa kaninang umaga ay sunod-sunod na ang meetings ko sa opisina at halos hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Ang tanging nasa isip ko habang bumababa ng sasakyan ay ang maligo, magpalit ng damit at magpalipas ng oras kasama si Andrew bago matulog. Ngunit pagpasok ko pa lamang sa loob ng bahay ay agad akong napahinto nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa sala.Napakunot agad ang noo ko dahil kilalang-kilala ko ang isa sa mga boses na iyon. Nang lumapit ako ay bumungad sa akin ang eksenang hindi ko inaasahang makikita.Naupo si Denzel sa carpet habang katabi si Andrew. Nakakalat sa paligid nila ang iba't ibang piraso ng dinosaur puzzle at pareho silang mukhang abalang-abala sa ginagawa. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong matagal ng magkasama ang dalawang iyon dahil sa sobrang komportable nilang tingnan."Mommy!"Agad na tumayo si Andrew nang makita ako at mabilis na tumak
CELESTEHindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang tiningnan ang oras sa cellphone ko.. Mula alas onse ng gabi hanggang madaling-araw ay paulit-ulit kong sinusubukang tawagan si Denzel ngunit ni isang tawag ay hindi niya sinagot. Ilang beses ko ring binasa ang mga mensaheng ipinadala ko sa kanya ngunit nanatili lamang iyong naka-seen at walang kahit anong reply. “Nasaan ba ang lalaking iyon?! Bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko at reply?!” inis kong sabi bago hinawakan ang ulo ko.Habang lumilipas ang bawat oras ay lalo lamang akong naiirita at kinakabahan dahil hindi naman siya dating ganoon. Kahit gaano siya kaabala sa trabaho noon ay palagi siyang nagbibigay ng update kung nasaan siya o kung anong oras siya makakauwi. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay pakiramdam ko ay unti-unti siyang nagiging ibang tao.Nakahiga ako sa kama ngunit ni hindi ako dinadalaw ng antok. Sa bawat paglingon ko sa kabilang bahagi ng higaan, lalo lamang akong naiirita dahil nananatiling bakante
EVEHindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan matapos sabihin ni Denzel na parang wala na siyang pakialam kay Celeste. Hanggang ngayon ay parang umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga salitang iyon.Sa likuran namin ay ang kumikislap na mga ilaw ng lungsod habang malamig na humahaplos ang hangin sa balat ko. Ngunit sa kabila ng ganda ng tanawin ay wala akong ibang maisip kundi ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Dapat ba akong matuwa?Dapat ba akong magalit?O dapat ba akong mag-alala?Dahil kahit paano, fiancé pa rin niya si Celeste. At kahit gaano ko kagustong magpanggap na wala akong pakialam, alam kong hindi simpleng bagay ang sinabi niya."Denzel..." mahinang sabi ko."Huwag mo muna akong sermunan."Napairap ako."At alam mo pa talagang sisisermunan kita?""Kilala kita."Napailing ako bago tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa sasakyan. Ayoko ng palawakin pa ang usapan na iyon dahil pakiram







