LOGINPagkapasok ni River sa banyo, humarap siya sa salamin. Naghilamos siya ng malamig na tubig para mahimasmasan. Pero pag-angat niya ng tingin, bigla siyang napatulala. Agad siyang nanigas nang may ma-realize. Yung babae kanina! Ang porma ng balikat nito. Ang amoy ng buhok nito. At higit sa lahat, ang malamig na tingin ng mga mata nito sa likod ng itim na maskara. Hindi ito ang unang beses na nagkamali siya. Ilang beses na siyang humabol sa mga babaeng kamukha ni Elowen, sa airport, sa kalsada at sa mall pero iba 'yung pakiramdam niya ngayon."Hindi..." nanginginig na bulong ni River. "Siya 'yon. Imposibleng hindi."Lahat ng kalasingan sa sistema niya ay biglang nawala. Mabilis siyang tumakbo palabas ng banyo, pabalik sa eksaktong lugar kung saan niya nahawakan ang braso nito pero wala na ang babae roon. Saktong kalalabas lang ni Elowen mula sa kabilang pinto, tinatanaw ang nagwawalang bulto ni River bago siya malamig na tumalikod at naglakad pabalik sa taas ng barko. Tuluyan nang nil
Halos matawa si Paloma dahil sa sinabi ng kaibigan. Umirap na lamang siya kay Elowen, bago pinigilan ang isang dumaang waiter na may dalang tray ng champagne.“Excuse me, saan papunta 'tong hagdan na 'to?" tanong ni Paloma habang nakataas ang kilay sa ilalim ng golden fox mask niya."Sa VIP underground bar po, Ma'am," magalang na sagot ng waiter bago nagpatuloy sa paglalakad.Binalingan ni Paloma si Elowen at ngumisi. "Oh, narinig mo 'yon? Bar daw. Tara? Masyadong boring dito sa deck. At saka tingnan mo nga 'yang suot mo—" tinuro ni Paloma ang hapit na black silk gown ni Elowen na humuhubog sa perpektong kurba nito. "Sayang ang ganda mo kung tatayo ka lang diyan at magpapahangin. Let's get a drink."Wala nang nagawa si Elowen kundi tumango. Sa totoo lang, naiinip na rin siya sa itaas kung saan masyadong maraming nagpapanggap na socialites. Sumunod siya kay Paloma pababa sa isang mahaba at madilim na hagdan.Pagdating nila sa ilalim, sinalubong sila ng isang napakalawak, ngunit napakad
Kinahapunan, dumating ang matalik na kaibigan ni Elowen na si Paloma. Habang tahimik na naglalaro ng blocks si Elara sa carpet, ikinwento ni Elowen ang narinig niya.Halos maibuga ni Paloma ang iniinom niyang kape. "Wait, hold up. Are you kidding me?!"pasigaw na reaksyon ni Paloma habang diring-diri ang mukha. "Si Beatrice? Nakikipag-landian doon sa bobong anak ng Ardales family?! Pinalayas na nga siya ni River sa mansyon, tapos ngayon, naghahanap ng bagong sugar daddy? Kapal ng mukha ah!""She's playing both sides, Paloma," malamig na komento ni Elowen. Hinawakan niya ang porcelain cup ng mariin pero kalmado. "She's always been smart. Mas matalino kaysa sa akin noon. Nagpapaawa kay River, habang ginagawang back-up plan ang pera ng mga Ardales."Tinitigan ni Paloma ang kaibigan. Alam niya kung gaano nagbago si Elowen. Ang dating babaeng handang lunukin ang lahat ng sakit para lang sa pag-ibig ay namatay na limang taon na ang nakakalipas. Ang nasa harap niya ngayon ay palaban, ,malami
"WHAT?!"Napasigaw si Mitena. Sa sobrang gulat, nabitawan niya ang hawak niyang pusa na mabilis na tumakbo palayo. Nang palayasin siya ni River sa Pamilya Samaniego noon, hindi naman siya naghirap. Binilhan siya agad ni Art ng sariling villa sa Alabang at minsan ay umuuwi pa rin dito si Raynold, kaya parang reyna pa rin siya. Pero ang galit at pagkapahiya niya kay River ay nakabaon pa rin sa buto niya. Sumumpa siyang sisirain niya ang buhay ng binata. Ngunit ngayon, ang balitang dala ni Beatrice ay tila bombang sumabog sa buong mundo niya."Sigurado ka ba sa nakita mo, Beatrice?!" nanggagalaiting tanong ni Mitena habang naglalakad nang pabalik-balik sa sala. "Baka naman kamukha lang! Imposibleng mabuhay pa ang babaeng 'yon pagkatapos niyang tumalon sa dagat!""Siya 'yon, Tita!" desperadang sagot ni Beatrice. "Kasama niya si Manang Rosa! At ang malala pa kasama niya si Inigo Quinn! Si Inigo, ang chairman ng Quinn Group. Ang tito niya 'yon!"*Natigilan si Mitena. Kumunot ang noo niya at
Sa isang iglap, tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Elowen. Gumulong ang maliit at makulay na plastic ball at tumama mismo sa makintab na itim na sapatos ni River.Lumingon ang kinatatakutang CEO ng Samaniego Group. Ang kanyang malamig at seryosong mga mata ay bumaba para tingnan kung sino ang naghagis nito. Doon, nakita niya ang isang maliit na batang babae, chubby ang mga pisngi, mahahaba ang pilikmata at may inosenteng ngiti na nakakapawi ng pagod.Para bang may kung anong kuryente ang dumaloy sa dibdib ni River. Isang pamilyar at mainit na pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Tinitigan niya ang bata at sa hindi malamang dahilan, gusto niya itong lapitan at buhatin.Sa loob ng restaurant, halos atakihin sa puso si Elowen. Akmang tatayo na sana siya at ganoon din si Manang Rosa para hilahin si Elara nang biglang may isang pamilyar at matangkad na bulto ang humarang sa kanila.Mula sa entrance ng mall, mabilis na naglakad si Inigo at binuhat nito si Elara sa isang iglap."Elara,
Niyakap ni Elowen ang matanda ng sobrang higpit. "Salamat, Manang Rosa. Pero simula ngayon, wag mo na akong tawaging Ma'am. Elowen na lang po. At saka nga pala, yung kwarto sa tabi ng playroom ni Elara, sa'yo na 'yon. Pinabili ko na rin 'yon ng bagong kama at TV para komportable ka."Nanlaki ang mga mata ni Manang Rosa. "Naku, Elowen! Hindi po pwede! Kasambahay lang po ako, doon na lang po ako sa maliit na maids' quarters sa likod—""Hep. Wala nang pero-pero," nakangiting putol ni Elowen. "Pamilya na ang turing ko sa'yo, Manang Rosa. Kung anong kinakain namin ni Elara, yun din ang kakainin mo. Kung anong kama ang hinihigaan namin, ganun din sa'yo. Deserve mo lahat ng kabutihan sa mundong 'to."Napahagulgol na naman si Manang Rosa sa sobrang pasasalamat. *Napakabuti mo talaga, Elowen. Kahit anong gawin nilang pananakit sa'yo, hindi nila nagawang sirain ang ginintuan mong puso.”Kinabukasan, naging maayos ang pagbisita nila kay Grandpa sa St. Luke's Medical Center. Kahit nanghihina dahi
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan







