Share

SV: Kabanata 20

Author: Mysaria
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-04 17:17:07

Limang minuto ang lumipas, kasalukuyang nakaupo si River sa opisina nito habang pinapanood ang footage mula sa printing area. Walang audio kaya hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

Ang tanging nakita lang niya ay sa huling sandali, itinaas ni Elowen ang kamay nito at itinulak si Eloisa palayo.

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni River. Pinatay niya ang monitor, tumayo ng marahas at mabilis na lumabas ng opisina.

Sa labas, nakaupo pa rin si Elowen sa desk niya. Kumukulo ang dugo niy
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
BalingasaEmelita
tjanks author sa update
goodnovel comment avatar
BalingasaEmelita
iwanan muna kc yan takasan muna
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 222

    Sa loob ng umaandar na luxury SUV, binabaybay nila ang traffic sa kahabaan ng EDSA. Si Mateo ang nagmamaneho habang nasa likod sina River at Hans. Prenteng nakade-kwatro si Hans habang pumapalakpak. "Bro! Iba ka talaga! Idol na idol talaga kita! Akala ko mamatay-matay ka na kanina sa lungkot, tapos bigla kang mambabagsak ng kumpanya? Ibang klase!"Nakasandal lang si River, nakapikit ang mga mata habang nagpapahinga. "Ginalit niya ako. Kung hindi siya nagmayabang, baka binigyan ko pa ng kaunting mukha 'yung pamilya nila."Humalakhak si Hans. "Mukha? Ikaw? Si River, ang kinatatakutang business genius ng Pilipinas, magbibigay ng awa sa kalaban? Patawa ka!""Boss, medyo okay na po ba pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ni Mateo mula sa driver's seat."Hmm," tipid na sagot ni River."Hay naku, sakit lang talaga sa ulo 'yang mga babaeng 'yan. Tingnan mo ang nangyari sa'yo, bro. Sobrang kalmado mo sa negosyo tapos pagdating kay Elowen, mangsasaboy ka lang ng alam sa isang babae sa party t

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 221

    Naalala ni River ang sinabi sa kanya ni Elowen noong huli silang magkita, na kailanman ay hindi na siya nito mamahalin. Hirap na napalunok si River, mayamaya pa’y nanginginig na bumulong. "Sorry, nasira ko 'yung party mo. Parang awa mo na, wag ka nang magalit sa'kin, hmm?"Nagulat ang lahat sa loob ng kwarto, hindi rin makapaniwala dahil sa inasta ng kinakatakutang bilyonaryo. Kahit si Elowen, kinilabutan nang marinig ito. Lumapit siya nang isang hakbang at malamig na idinampi ang likod ng kanyang palad sa noo ng binata."Wala ka namang lagnat," malamig na asik ni Elowen. "Bakit kung ano-anong kabaliwan ang sinasabi mo?"Pero sa pagdampi ng balat niya, mabilis na hinawakan ni River ang kanyang kamay. Ang init ng palad nito ay tila naghahanap ng kaligtasan."Elo..." desperadong tawag nito.Nangilabot si Elowen, mabilis at marahas niyang binawi ang kanyang kamay na parang napaso, at mabilis na umatras. Pagkakita sa ginawa ni Elowen, humakbang paharap si Logan. Hinarangan niya ang panin

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 220

    Mabilis na kumilos ang security ng pamilya Sarmiento. Binuhat si River papunta sa isang VIP lounge sa kabilang kwarto, habang ang babaeng nabuhusan ng alak ay inalalayan palabas ng ballroom para pakalmahin. Sa isang iglap, bumalik sa normal ang grand engagement party. Tumugtog muli ang orchestra, nagpalitan na ng singsing sina Elowen at Logan at umapaw ang mamahaling champagne.Sa paningin ng lahat, perpekto ang gabi. Nakangiti si Elowen sa bawat bisitang bumabati sa kanila pero para kay Logan na nakatayo sa tabi niya at nakahawak sa bewang niya, ramdam na ramdam niya ang panlalamig ng mga kamay ng dalaga. Nakangiti ito pero ang mga mata nito ay blangko, alam niyang wala roon ang isip ng dalaga.Nang magkaroon ng pagkakataon na makapag pahinga sa isang sulok, inabutan ni Logan ng isang baso ng tubig ang kanyang fiancé."Puntahan mo na siya," malumanay na bulong ni Logan, sapat lang para silang dalawa ang makarinig.Kumunot ang noo ni Elowen. "Anong sinasabi mo? Bakit ko siya pupuntaha

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 219

    Pumasok si Elowen suot ang isang nakakamanghang white strapless princess gown. Kahit dalawampu't walong taong gulang na siya at isang ina, parang hindi siya dinalaw ng panahon. Sobrang perfect ng kanyang balat, wala ring kapintasan ang kanyang hubog ng katawa at ang kanyang inosenteng ganda noon ay napalitan ng isang mapang-akit at nakakapasong kaseksihan. Isang babaeng punong-puno ng kapangyarihan at charisma.Lahat ng kalalakihan sa hall ay napanganga. Halos lahat sila ay lihim na nainggit kay Logan na nakatayo sa tabi nito.Si Logan, suot ang kanyang tuxedo ay parang isang dugong-bughaw mula sa Europa. Mahigpit ngunit maingat nitong hawak ang kamay ni Elowen, binabantayan ang bawat hakbang nito na parang isang napakahalagang diyamante."Diyos ko, iba talaga kapag pinagpala ka," bulong ng isang babaeng balot ng alahas sa kanyang mga kaibigan. "Tingnan niyo naman 'yan. Mayaman na nga ang pamilya, siya pa ang nag-iisang tagapagmana ng Quinn Group! Tapos ngayon, nakabingwit pa ng may

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 218

    Sa murang isipan ng maliit na si Elara, wala itong kaide-ideya kung gaano kabigat ang sinabi nito. Para sa kanya, ang kasal ay simpleng eksena lang sa mga paborito nitong fairy tales, kung saan nagkakatuluyan ang prinsesa at prinsipe para maging masaya habambuhay.Kaya gusto nitong pakasalan ang handsome uncle na nasa harap nito.Kung magiging asawa niya ito, makakasama na nila ito ni Mommy sa iisang bahay. At kapag nangyari 'yon, wala nang bully sa school ang magsasabing wala silang lalaki sa pamilya!‘Hmph! Titingnan ko lang kung may mang-aaway pa sa'min ni Mommy kapag andito na si handsome uncle!’ isip ng inosenteng bata.Punong-puno ng pag-asang tiningnan ni Elara si River, kumpyansa ang munting prinsesa na walang sinuman ang makakatanggi sa ka-cute tan niya. Panigurado, papayag ang gwapong uncle na ito.At tama nga ang bata, dahan-dahang tumango si River at naglabas ng mahinang "Hmm," bilang pagsang-ayon.Ang totoo, gusto lang sakyan ni River ang trip ng bata. Ayaw niyang makita

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 217

    Hindi nagtagal, nakatanggap na ng pormal na imbitasyon si Paloma para sa engrandeng engagement party. Inimbitahan din ni Elowen ang higit dalawampung malalaking pangalan at bilyonaryo sa industriya na nakilala niya sa nakaraang business banquet.Sa loob ng dressing room, nakatitig si Elowen sa salamin. Sobrang ganda niya sa mga oras na yun. Subalit dahil nagiging makulit na ang mga bata sa backstage at nakakaabala sa mga nag-aayos, inutusan ni Paloma si Manang Rosa na dalhin muna ang dalawang bata sa back garden ng hotel para makapaglaro.Gamit ang kanyang pagiging Kuya-kuyahan, nagyabang ang anak ni Paloma at hinila si Elara patungo sa side gate ng malawak na hardin.Ang side gate na iyon ay nakadugtong mismo sa open parking lot ng hotel, kung saan nagkukumahog ang mga valets at doormen sa pag-aasikaso sa mga dumarating na mamahaling sasakyan ng mga VIP guests.Sa isang madilim na sulok ng parking lot, nakaparada ang isang itim na kotse. Sa loob, tahimik na humihithit ng sigarilyo s

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 7

    Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 6

    Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 5

    Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 4

    Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status