Share

SV: Kabanata 63

Author: Mysaria
last update publish date: 2026-06-25 21:32:38

Sa sandaling iyon, pinagdudahan niya kung totoong kadugo niya ang taong 'to. Anong klaseng ama ang ibebenta ang sariling anak sa isang grupo ng mga halang ang kaluluwa?!

Nang magtama ang mga mata nila, pekeng umiyak si Rigor. "Elowen, anak... Pasensya na. Wala na akong choice eh. Kahit ibenta ko ang bahay natin, hindi sasapat. Pero ikaw... ang laki ng halaga mo sa kanila. Wag kang mag-alala, hindi makakalimutan ng Papa ang sakripisyo mo!"

Walang lingon-lingon na tumakbo palabas ng bodega si Rig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 124

    Kakagising lang ni Elowen nang marinig niya ang katok sa pinto.Pagbukas niya ng pinto, bumungad ang bihis na bihis at seryosong si River sa harap niya.Halatang nagulat ang lalaki nang makita siyang bagong gising, pero mabilis itong nakabawi."May meeting tayo ngayon sa mga engineers dito sa Cebu," pormal na sabi ni River. "Itu-turnover na natin sa kanila ang project para sila na ang bahala sa execution."Tumango si Elowen sa lalaki. Alam niyang matagal-tagal na rin sila sa probinsya kaya kailangan na nilang bumalik ng Manila. "Sige."Akmang isasara na sana niya ang pinto para mag-ayos, pero hindi umalis si River sa kinatatayuan nito.Nag-alangan si Elowen, bago siya huminga ng malalim at umurong. "Pumasok ka muna kung gusto mo. Mag-aayos lang ako saglit sa loob."Walang pasabing pumasok si River at umupo sa sofa. Lihim na napailing si Elowen sa kawalan nito ng pormalidad, pero hinayaan niya na lang. Mag-asawa naman sila sa papel at nakatira sa iisang bubong sa Manila, kaya hindi na

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 123

    Nang ibaba ni River ang tawag, sobrang bigat na ng aura nito. Paglapit niya sa elevator, sakto namang bumukas ang pinto. Dire-diretsong pumasok si Elowen nang hindi man lang siya hinihintay.Pagkapasok niya, hindi nan nakatiis si River magtanong."Bakit ang putla-putla mo?" Imbes na sumagot, tanong ang binigay ni Elowen. "Tinanggalan mo raw ng allowance si Mitena?"Para sa isang asawa ng late chairman, normal lang na kumuha ng milyones si Mitena sa kumpanya. At hinahayaan lang ito ni River noong mga nakaraang taon. Kaso tinigil ng lalaki ito nung araw na muntik nang mabato nito si Elowen ng ashtray pero sinalo ito ni River at nabali ang braso nito.Kaya kahit pinutol ni River ang 5 million pesos na monthly allowance nito, walang sinumang umangal sa pamilya Samaniego."Oo," malamig na sagot ni River habang nag-aapoy ang mga mata sa pagkaalala sa pangyayaring 'yon. "Dahil sumusobra na siya."Lumingon si Elowen kay River.Sumusobra? Baka dahil binato at sinaktan nito ang lalaki? Kung s

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 122

    Nang mag-lunch break sila, nilapitan si Elowen ng asawa ng head forema at natatawang binigyan siya ng tubig."Naku, Ma'am Elowen! 'Yung asawa niyo po, grabe kung makabakod!" biro ng ginang habang nakatingin kay River na seryosong nakatayo sa di kalayuan. "Sabi nga ng mga misis dito, pauwiin niyo na raw po si Sir sa Manila! Kasi po 'yung mga babae rito sa site, puro sa asawa niyo na nakatingin! Na-in love na yata sa kakatitig niya sa'yo. Wala nang magluluto para sa mga trabahador namin!"Tumawa lang si Elowen at mahinang umiling. "Naku, hindi po ganoon 'yon. Nagbabantay lang po 'yan sa investment niya."Pero nang iwan siya ng ginang, palihim siyang napasulyap kay River. Nakatitig pa rin ito sa kanya, hindi niya mawari kung anong nasa isip nito. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Elowen. Baka naman… Pero imposible. Imposibleng nahuhulog na si River sa kanya. Pagbalik ni Elowen sa kanyang hotel room sa Cebu noong gabing iyon, saktong tumawag si Paloma via video call. Kinuwento ni Elow

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 121

    Para hindi na makagawa ng gulo ang asawa, nagdesisyon si Elowen na tumabi kay River. Kahit may isang dipang distansya sa pagitan nila, malinaw sa mata ng lahat na pinili niyang maupo sa tabi nito.Dahil sa simpleng galaw na 'yon, biglang lumiwanag ang madilim na mukha ni River. Isang nakakairitang ngisi ng tagumpay ang sumilay sa labi nito.Sa kabilang banda, parang sinaksak naman ang dibdib ni Logan.Ngunit dahil sa pagiging maginoo, hindi na siya nagsalita pa. Yumuko na lang siya at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng cellphone niya. Sa screen, naka-open pa rin ang tracking system na itinuro niya kay Elowen kanina.Nag-alangan siya ng ilang segundo bago niya pinindot ang Save Button.Sa pamamagitan nito, bawat galaw ni Elowen ay naka-monitor sa phone niya. Alam niyang invasion of privacy ito pero sa mga naririnig niya tungkol sa kalupitan ni River, gusto niya lang masigurong ligtas ang babaeng palihim niyang minamahal.Makalipas ang dalawampung minuto, lumabas na si Mr. Lucian at inay

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 120

    Natahimik si Elowen, wala nang nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa Samaniego Mansion. Pero may isang bagay na bumigla kay Elowen pagkauwi nila. Wala na si Beatrice sa bahay nila at lumipat na pala ito sa Old Mansion!Kahit papaano, nakahinga siya ng maluwag. Naging mas payapa ang buhay niya sa mansyon. Araw-araw, kapag pumapasok siya sa trabaho at umuuwi, paminsan-minsan na lang silang nagkikita ni River. Isang tango, isang malamig na sulyapan tapos didiretso na sa kanya-kanyang kwarto. Iyon lang palagi ang set up nilang dalawa. Hanggang sa lumipas ang halos isang buwan. Nitong mga nakaraang linggo, madalas makaramdam ng sobrang pagod at antok si Elowen. Dahil sa panghihina ng katawan niya, tinatamad na siyang lumabas para sa mga social events. Pero ngayong weekend, tumawag si Mr. Lucian, isang kilalang mentor at respetadong tao sa industriya ng arts at design para imbitahan siya. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag.Sa isang lumang ancestral house na na-convert into

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 119

    Pabalik sa sasakyan, napansin ni River ang pagiging tahimik at pagdududa sa mukha ni Elowen."Dahil ito ang huling lugar na tinirhan namin ng nanay ko," kalmadong paliwanag ni River tila ba sinasagot ang tanong na hindi pa binibigkas ng asawa. "Wala kaming pera noon. Nag-iiwan lang si Mama ng barya sa may-ari ng kainan para may makain ako tuwing tanghali habang nagpapakamatay siya kakatrabaho sa pabrika."Hindi ito inaasahan ni Elowen. “Ganoon ba talaga kahirap ang buhay nila noon?”Kinagat niya ang ibabang labi niya. "Palagi ba kayong ganyan noon ng nanay mo? Hindi ba kayo binibigyan ng sustento ng pamilya Samaniego?"Pagkasabi noon, na-realize niyang masyadong personal ang tanong niya. "S-Sorry. Hindi ko na sana tinanong 'yon."Pero mukhang gusto talagang magkwento ni River."Ayaw tanggapin ni Mama ang pera nila," seryosong sagot ng lalaki habang naglalakad sila. "Ang tatay ko ang may kasalanan ng lahat. College classmates sila. Nung nag-aral si Papa, itinago niya kung gaano siya ka

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 8

    Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 7

    Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 6

    Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 1

    “Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—” “Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya. Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status