"Matagal na, oo, pero sobrang iconic!" tawa pa rin ni Lucian. "At lahat ng org na sinalihan o tinulungan niyang i-organize? Puro matatangkad at gwapong lalaki ang sumasali. Para silang 188cm boy band sa dami! Para lang makasama itong batang ito, punong-puno ang org!"Mas lalo pang nagtawanan ang lahat. "Sir, mukhang very in-demand si Ms. Elowen ah," biro ng isa."Very," kampanteng sagot ni Lucian. "At kung may matinong binata rito, aba'y dapat magmadali. Hindi niyo alam kung gaano ka-special 'tong batang ito.""Sir…" halos daing na ni Elowen, hinihila na talaga ang sleeve nito. "Sobrang nakakahiya po."Pero ang masama, imbes na tumigil, parang lalong ginanahan ang mga tao sa mesa."Sir, tuloy n'yo pa! Kwento pa po kayo, napaka-interesting naman ni Miss Elowen!""Ilan po ang manliligaw niya noon?""May naging boyfriend ba siya noong college?"Para bang gusto ng magpalamon ni Elowen sa lupa. Napalunok siya at napatingin sa paligid, gusto na lang niyang matawa at mawala ng sabay. At do
Read more