"ANO na ang update sa kaso ni Laura, Lira?" tanong ko habang minamasahe nang medyo madiin ang masakit kong ulo. "Wala pa rin po, Ma'am. Pangalawang araw pa lang po kasi sa paghahanap sa kaniya, malay natin kailang weeks para mahanap siya." sagot ni Lira. "Sabagay. Sa laki ng pera na dala niya, malamang nagpalipat-lipat na ng lugar 'yon." "Tama ka po, ma'am Mallory. Malay din natin, baka napag-retoke na 'yon sa ibang bansa." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Lira. Oo nga, may possible na magpa-retoke ito. Pero bakit? Bakit niya ginawa sa akin 'yon? May nag-utos ba sa kaniya? Dahil sa naiisip ko, bigla na naman akong kinabahan at niiyak. Betrayal. Masakit. At mapapatanong ka na lang talaga nang "bakit". Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang bumukas ang pinto ng office ko. At pumasok ang isang malaking salot na nilalang. "Lorie, babe." tawag ni Marcus at patakbong lumapit sa akin. Pagka-lapit nito, agad itong lumuhod sa tabi ko. "I'm s-sorry, Babe. Patawarin mp ako,
Huling Na-update : 2026-05-31 Magbasa pa