Share

Chapter 7

last update publish date: 2026-06-05 11:25:53

GULAT na napatitig ako sa mensahe. Naka-tatlong ulit ko pang basahin at sa huli, sa pangalang Ellis pa rin ito nagtatapos. Bigla akong nanlamig dahil sa nakasaad sa text. Tuloy daw ang kasal? Hindi ko alam kung bakit itutuloy pa rin nito, samantalang kaninang umaga lang binantaan ako.

Ang gagong lalaking iyon, talagang parusa ang ibibigay sa akin. Paano na lang kung magsasama na kami? Ito ba ang paraan niya patayin ako? Pahihirapan niya ako kapag kami lang, tapos kapag nandiyan ang mga parents namin sweet siya sa akin. Katulad na ba ito sa mga napapanood ko sa TV? Sa mga nababasa ko sa mga online platform novels? Mangyayari na ba ang mga iyon sa akin?

“Argh! Help! Ano ang gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko at saka ginulo-ginulo ang aking buhok sa inis. Inis at takot ang naghahalo sa kaloob-looban ko. Pero mas nangingibabaw ang takot. Ang hitsura kasi ni Ellis Orlov hindi nagbibiro. Palaging seryoso at cold. Walang pakiramdam, parang hindi tao.

“Bakit kasi siya pa? Bakit kasi nagtagpo kami sa gano’ng sitwasyo?” wika ko at saka humiga. “Bakit kasi ang suplado niya? Bakit kasi nauso ang arrange marriage?” tanong ko sabay padyak ng mga paa ko sa hangin.

HINDI ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, basta ang alam ko late na iyon. Kaya heto ako ngayon, naglalakad na kalahating tao, kalahating panda dahil sa maitim na nasa ilalim mg mga mata ko.

“Good morning, ma’am Mallory.” salubong na bati sa akin ni Lira. Humarap ako sa pinto ng office ko at binuksan ito. At sabay kaming naglakad papasok sa loob.

“Not good morning.” sagot ko sa kaniya sabay tanggal ng itim na sunglasses kong suot para ipakit dito, na hindi talaga maganda ang morning ko.

“Half-half ka ngayon, a. Ano ang nangyari?” nakangiti na tanong ni Lira sa akin.

“Malamang, ang pinag-usapan natin kagabi.” sagot ko.

“Bakit?”

“Nag-send ng message sa akin kagabi ang gago na ‘yon. Tuloy daw ang kasal ayon sa plano.” sagot ko na naiinis.

“Hala! Akala ko ba galit siya sa’yo? Bakit itutuloy niya pa rin? Ano ‘yon, walking into your grave?” wika nito na mas nagpakaba sa akin.

“Iyon na nga e, kaya nga hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Kasalanan talaga ‘to ni Marcus. Saan na ang lalaking ‘yon at ako na mismo ang papatay sa kaniya?” nangngangalit kong wika. Si Marcus ang may kasalanan sa nangyayari sa akin. Kung hindi niya ako niloko, hindi ko siya pagtataguan at tatakasan. Dahil sa pagsunud-sunod niya sa akin na parang asong may galis, napahamak ako. Dahil sa kaniya, humaharap ako ngayon sa problema. Imbes na magiging masaya ang buhay ko, heto naghihintay kung kailan pitikin ni Ellis ang gatilyo ng baril na nakatutok sa ulo ko. I am walking with a time bomb underneath.

Tumawa sa tabi ko si Lira. Parang tuwang-tuwa ito nang banggitin ko ang pangalan ng salot na lalaking iyon.

“Ano ang tinatawa-tawa mo diyan? Kung ang sitwasyo ko ang tinatawanan mo, hindi ako natutuwa. Para na akong malagutan nang hininga sa stress.” wika ko sa kaniya.

“Hindi ikaw ang tinatawanan ko, si Marcus.” wika nito at saka tumawa ulit.

“Bakit?” kyuryoso kong tanong.

“Ang sabi kasi ng ka-klase ko, naihi daw sa pantalon si Marcus. Malamang bogbog sarado ba naman. Nang dinala sa hospital, akala daw ng mga magulang nito patay na siya.

Hinulog ba naman daw ng puting van sa harap ng bahay nila. Sa dami ng dugo, akala daw ng mga magulang niya, wala na itong lamang loob. Dahil nga sa uso ang puting van.” mahabang kuwento ni Lira at saka tumawa pa lalo. Pati ako, napatawa din sa mga sinabi nito.

“Mukha nga daw nabaliw ang mama nito. Gago din kasi ang hayop na ‘yon.” si Lira.

“Kawawa naman ang mama niya, nadamay sa katarantadohan ng cheater niyang anak.” wika ko.

“Yes. Kawawa ang parents niya, pero siya hindi. Kulang pa nga ‘yon sa kaniya. Sana nga basag ang eggplant niya para naman tumahimik siya sa tabi.”

Nagtawanan kaming dalawa ni Lira, dahil sa kinuwento nito kalimutan ko kahit sandali lang ang problema ko. Nakalimutan ko si Ellis Orlov.

“Ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niyang wala na siyang eggplant?” si Lira.

“Malamang mababaliw ang cheater na iyon.” sagot ko.

“Panigurado ‘yan. Kapag ang manyak, hindi mabubuhay na wala ‘yon.”

“Sayang na ang kapogian at lahi niya.” ako.

“Tss. Huwag ka nang manghinayang, Lory, mabuti nga ‘yon para naman mabawasan ang mga cheater sa mundo. Alam mo naman ang ex-boyfriend mo na ‘yon, magkakalat at magkakalat ng lahi ‘yon.”

Umupo ako sa ibabaw ng mesa ko habang nakipag-usap pa rin kay Lira.

“Yeah. Kasalanan niya ang nangyari sa kaniya. Sana nga, tumino na siya at maging aral na sa kaniya ang nangyari.”

“Tss. Ewan ko lang sa lalaking ‘yon.”

Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang SMS ring tone ko. “Hold on, Lira. May nag-text lang sa akin.” wika ko kay Lira at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong coat.

Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang mensahe.

"8 p.m., on the rooftop. Ellis."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 14

    "LORY, kumusta ka? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Tawag ako nang tawag sa'yo kagabi pero hindi ka sumasagot. Muntik na nga akong tumawag ng Pulis, kaso nag-text ka kaya ibig sabihin, okay ka. Hindi ka naman niya sinaktan, no? Sinigawan?" nag-alala na salubong sa akin ni Lira. Hindi nga ako makasingit sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. Pero ano itong sinasabi niyang text? Hindi ko alam 'yan. Paano pa makapag-text ang isang unconcious? Nagtataka na tumingin ako kay Lira at saka nagtanong. "Text? Nag-text ako sa'yo? Ano'ng sinabi ko sa text?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Tumitig sa akin si Lira na puno nang hinala. "Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Lira. Unconcious ako kagabi dahil tinakot ako ni Ellis.""What? Pero nag-text ka. Alangan na siya ang nag-send ng text sa akin." naguguluhan na wika sa akin ni Lira sabay kuha ng cellphone at pinakita sa akin ang text.Bigla akong nahilo nang makita ko ang text. Naka-exclamation poin pa sa dulo. Halatang hindi ako ang na

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 13

    “BAKIT ihahatid mo pa ako?” tanong ko sa kaniya.“Bakit, alam mo na ba kung saan ka ngayon? Alam mo na ba ang way mo pauwi?” tanong nito sa akin na purong Tagalog. Muli akong napangiti nang patago. Ang cute kasi nito. “Hindi.”“So, let me take you home. I won’t bite you.” sabi niya sa akin at saka hinawakan ang damit ko sa likod at hinatak ako pa kusina. Kanina, cute na cute ako sa kaniya, ngayon, pikon na pikon na naman ako. Ginagawa ako nitong 3 years old. Nakakainis. Puwede naman niya ako hawakan sa wrist ko, bakit sa damit ko pa sa likod? Nagmumukha tuloy akong alagain na bata. Bigla ko tuloy naalala ang ginagawa ko sa mga anak ng Tita ko. ‘Yong susuotan sila ng onesie tapos hahawakan sa likod at i-angat sa ere, lalo na kung ang onesie nila ay butterfly o kaya bee. Hahawakan mo sa likod at ilipad-ilipad kunwari. Dadalhin mo sa garden at ilalapit sa orchids o bulaklak at saka tatawanan. Nakakainis!“Bitawan mo nga ako! Sa ginagawa mo lang akong nakakatawa.” reklamo ko. Alam ko na

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 12

    “WHAT?” I spat.“I am just asking, if cash or card?” ulit nito. “Do I need to pay this?” tanong ko sa kaniya. “What so do you think?” Nag-aalangan akong tumingin sa kaniya at nagtanong. “H-how much?”“Six hundred ninety five thousand.” mabilis na tugon nito. Napanganga ako sa presyo ng flover vase nito. Gano’n ka mahal? Mayaman din kami pero hindi ako spoiled sa parents ko. Mas gusto pa nga nila Papa at Mama ang mag-donate kaysa bumili ng mga expensive products. May mga mahal din naman akong mga gamit pero hanggang 150, 000.00 lang. Pero itong lalaking ‘to pati flower vase makabili na ng house and lot. Napatingin ako sa flower vase na dumami sa sahig. “That’s fancy.” wala sa sarili kong wika habang nakatingin pa rin sa basag na flower vase. “Sayang ang pera.” Isang malakas na tawa ang unalingawngaw sa loob ng bahay, ang tawa ni Ellis. Pinagtawanan ako ng lalaki. Akala siguro nito bobo ako. Malamang. Sino ba naman ang hindi mabo-bobo kapag tinatakot ka ng isang Ellis Orlov. Ang l

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 11

    "NO worries. Lahat ng mga nakasabay ko kumain na hindi ako ginalang, umuuwi na kulang ang daliri." sabi sa akin ni Ellis. Mas lalong nanginig ang buo kong katawan, pakiramdam ko hihimatayin ako. Pakiramdam ko, nauubos ang hangin sa baga ko. 'He's really a demon.' ani ko sa isip ko. Maya-maya pa ay tumayo si Ellis at lumapit sa akin. At doon na, hindi ko na na-kontrol ang sarili ko at nawalan na ako nang malay."Scaredy-cat." narinig kong wika ni Ellis bago ako tuluyang nawalan nang malay.NAGISING ako dahil sa mahalimuyak na amoy na pumapasok sa ilong ko. Nakaramdam tuloy ako nang gutom. Para kasi tinatawag ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa amoy. Nakapikit pa ang mga matang umunat ako ng katawan at saka tumagilid nang higa pakaliwa. Ngayong naka-tagilid ako nang higa, mas lalo kong naamoy ang mabangong luto sa kusina.“Ang bango naman.” wika ko.'Wait? Bakit naaamoy ako ang niluluto ni Yaya? Dapat hindi, dahil nasa ikalawang palapag ang kuwarto ko at malayo sa kusina. Bakit ngayon

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 10

    "Miss Tingson, you're late. I got here earlier than the time I told you. Don't just stand there—come here and let's eat. I'm starving to death waiting for you." sabi sa akin ni Ellis habang ako ay nakatayo lang sa di kalayuan sa kaniya. Nag-e-enjoy sa kaguwapohan ng lalaki. Habang sa kabila isip naman ay naghihintay kung kailan ako hahandusay sa sahig. Naiilang na naglakad palapit sa lalaking nakatayo at nagsabing gutom na siya. At hindi ko kasalanan kung bakit niya inagahan ang pagpunta dito. Hindi naman niya sinabi na magpa-candle light dinner pala siya. Tapos ngayon magagalit kong late ako, malamang may ginagawa din ang tao. At isa pa, hindi kami close. Hindi ko naman akalain na hindi pala simpleng meet-up lang, date pala talaga. Ano ‘to, knowing each other stage? O baka naman, bibigyan niya ako ng contract marriage papers para pirmahan. Ang bongga kung gano’n. Dapat no string attached kaagad. Tumikhim ako at nagpatuloy sa paglakad palapit sa lalaking naghihintay sa akin. "I'm s

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 9

    I WORE a buttoned white long-sleeve top, paired with a brown leather skirt that falls to mid-thigh. My hair is in a half-up, half-down style, with long, loose curls or waves and the top section pulled back and secured. Ang sabi sa akin ni Lira kanina bago ako umakyat ay sobrang bagay daw sa akin ang hair style ko. Napaka-ganda ko daw tingnan at dapat daw ay palagi kong itali ang buhok ko nang ganito. Bago ako umalis, naka-ilang blush ako dahil sa mga sinasabi ni Lira. Mahiyain pa naman ako, pero maldita din kapag inunahan. Magkasalikop ang dalawang kamay habang nakasakay ako ng elevator. Hindi ko kasi alam kung nando’n na si Ellis. At hindi ko rin alam kung ano ang maging reaksiyon niya kapag nakita ako doon. Napatingin ako sa aking handbag, nasa loob ng bag ko ang isang chili spray. Isang mali lang ni Ellis mamaya, i-spray ko ito sa mata niya. Hindi ako makipag-kita sa kaniya na walang dalang panangga. Malaking tao si Ellis, matangkad, guwapo at may 8 pack abs. Kapag naalala ko an

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 8

    NANLAKI ang mga mata ko dahil sa nakasaad sa text. Dahil sa mga salitang iyon, bigla na naman nagliwaliw ang aking isip. Paano kung sa rooftop ako sasaktan ni Ellis? Paano kung itutulak niya ako pababa? Paano kung sa rooftop na iyon magtatapos ang aking buhay? Wala na! Magiging kuwento na lang ang

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 6

    THE silence was deafening. Shock was written all over their faces. No one dared to speak. They were all shocked, but I wasn't. He's the one who spoke to me earlier. He's the one who threatened me. And now here we are, face to face, meeting again. What should I do? I'm scared of him.Horror na tu

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 5

    MULA sa gulat hanggang sa napalitan nang inis. At mula sa inis napalitan nang takot. Seryoso ang mukha nitong lumapit sa amin at nang makalapit na ang lalaki, kaagad na tumayo si Tita Vionnet yumakap sa anak. “Ellis Orlov pala ang pangalan niya.” wala sa sarili kong wika. Mabuti na lang walang may

  • MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART   Chapter 4

    "DON'T let me see you again, or I'll shoot you." banta ng lalaki sa akin na malamig ang boses. Nakakatakot na nga ang mga sinabi nito, dumagdag pa ang boses at mukha nito. Tatalunin niya pa yata ang AC sa sobrang lamig. Dahil sa sinabi nito, hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili na lang akong ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status