Tahimik ang buong silid. Tanging ang mahinang paghampas ng hangin sa salamin ng bintana ang maririnig. Pakiramdam niya tuloy ay pati ang puso niya ay hinahampas din dahil tila humihigpit ang puso niya.“Ano ba! Lorraine, calm down, okay?” Pilit niyang pinakalma ang sarili.Pero parang gusto niyang sampalin ang sarili niya. Kasi bakit ba siya nagpapaapekto kay Emelyn diba? Paulit-ulit na lang din niyang sinasabi sa sarili niya na wala ngang sila ni Tyron.“Shit! Shit! Shit! Kung ano man yang nararamdaman mong babae ka! Sarilinin mo na lang kasi wala ngang kayo! Kairita ka naman, eh!”Pero ano pa nga bang magagawa niya kung nasasaktan nga siya? Pwede bang utusan ang puso niya na huwag siyang magselos?“Kung pwede lang, ginawa ko na.” Napabuntonghininga na lang siya at napahawak siya sa dibdib niya. “Kalma, girl. Kalma.”Nananatiling nakaupo si Lorraine sa gilid ng kama. Pumikit pa siya para kausapin ang sarili niya. Pero para na nga siyang baliw eh, wala namang improvement.Muli siyang
Leer más