로그인Halos kalahating araw na ang lumipas mula nang pumasok si Lorraine sa school. Tahimik sa loob ng airconditioned na faculty room, tanging tunog lang ng paglipat ng mga pahina at mahinang pag-type sa keyboard ang maririnig. Pero kahit busy, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga text ni Tyron kaninang umaga.Hindi naman mahaba ang mga sinabi nito. Hindi rin iyon mga dramatic na nobela o over-the-top na I love you.Pero iba talaga kapag galing kay Tyron.Dati, kailangan pa niyang hulaan kung ano ang iniisip ng lalaki. Ngayon, makita lang niya ang simpleng I miss you o Have you eaten? na nag-pop up sa screen ng phone niya, kusa na lang umiinit ang pisngi niya at napapangiti siya.At nakakainis iyon. Dahil hindi na niya kayang itago."Ngumingiti na naman siya oh."Napalingon siya kay Regine. Nakaupo ang kaibigan sa kabilang mesa, may hawak na red ballpen at tinatamad na nagche-check ng test papers."Hindi.""Girl.""Hindi nga."Regine slowly lowered the papers she was checking. Tinaasan
Kinaumagahan, bumalik agad si Lorraine sa routine na matagal na niyang nakasanayan.Maagang paggising habang sumisikat pa lang ang araw. Pagligo ng maligamgam na tubig. Pagpili ng isusuot, at paghahanda ng mga gamit para sa school.Pero kahit pare-pareho lang ang ginagawa niya araw-araw, may kakaibang gaan sa dibdib niya ngayon. Para bang nawala ang lahat ng bigat na matagal niyang bitbit. Siguro dahil naging masaya ang ilang araw na nakasama niya ang pamilya niya. O baka dahil alam niya na paglabas niya ng kwartong ito, may isang taong siguradong naghihintay sa kaniya sa kabilang bahagi ng bahay.Pagdating niya sa kitchen, sumalubong agad sa kaniya ang amoy ng bagong timplang kape at pritong bacon. Nakaupo na si Tyron sa paborito nitong pwesto sa dulo ng long table. May hawak itong dark blue na coffee mug habang seryosong nagbabasa ng mga dokumento sa tablet nito. Magulo pa nang konti ang buhok nito, bagay na lalong nagpapagwapo sa kaniya ngayong umaga.Pag-angat ng tingin nito, nagt
Tahimik pero nakaka-relax ang naging biyahe nila pabalik ng city.Matapos ang ilang oras na pagmamaneho, halos wala nang masabi si Lorraine. Nakasandal lang siya nang komportable sa malambot na leather passenger seat, tahimik na pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas ng bintana.Unti-unti nang napapalitan ang mga malalawak at luntiang bukirin ng naglalakihang mga building at nagtataasang mga poste ng ilaw. Ang tahimik at maluwag na kalsada ng province ay mabilis na napalitan ng traffic at maiingay na busina ng mga sasakyan.Welcome back to reality. And somehow, she already missed the province.Napabuntong-hininga siya, kaya nag-fog nang kaunti ang salamin ng bintana."Namimiss ko na agad," mahinang sabi niya.Sumulyap sandali si Tyron sa kaniya, ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela."Your family?" tanong nito."Everything." Napangiti siya nang bahagya habang inaalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. "Yung bahay. Yung tahimik na paligid. Yung luto ni Mama. Lalo na
Hindi pa rin agad umuwi sina Lorraine at Tyron.Matapos ang ilang minutong pananatili sa itaas ng burol kung saan dinama nila ang preskong hangin, dahan-dahan silang bumaba. Mahigpit ang hawak ni Tyron sa kamay niya, na parang ayaw na nitong bitawan pa siya kahit kailan. Bawat hakbang nila pababa ay puno ng komportableng katahimikan.Mas magaan na ang pakiramdam ni Lorraine.Parang may kung anong tahimik na katiyakan na naiwan sa puso niya pagkatapos ng pag-uusap nila.Hindi na niya kailangang magtanong kung seryoso ba talaga si Tyron sa kaniya.Sinabi na nito.At mas mahalaga, ipinakita rin nito sa mga titig at higpit ng hawak nito sa kaniya.Pagdating nila sa may malawak na bakuran ng bahay, agad niyang naaninag ang kaniyang ama. Nakaupo ito sa paboritong lumang silya sa terrace, kalmadong humihigop ng mainit na kape. Kumalat ang amoy ng kape sa paligid.Agad na dumapo ang tingin ng papa niya sa kanilang magkahawak na kamay.Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito."Kanina
Hindi agad gumalaw si Lorraine mula sa pagkakasandal sa balikat ni Tyron. Nanatili lamang siya roon habang pinagmamasdan ang unti-unting pagbabago ng kulay ng kalangitan mula sa madilim na asul papunta sa mapusyaw na orange.Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya, pero sapat na ang init na nagmumula sa katawan ni Tyron para hindi siya ginawin. Naamoy niya ang pamilyar at mamahaling pabango nito na humalo sa amoy ng kape at hamog sa umaga. Tahimik ang paligid, hindi yung uri ng katahimikan na nakakalungkot, kundi yung nakakapanatag ng loob.Parang kahit saglit lang, sa ibabaw ng burol na ito, pwede niyang kalimutan ang lahat ng stress at responsibilidad na naghihintay sa kanila pagbalik sa city."Tyron," mahinang tawag niya, halos ibulong na lang sa hangin."Yes, honey?""May itatanong ako."Bahagya itong gumalaw upang tingnan siya. Naramdaman ni Lorraine ang pagtama ng hininga nito sa tuktok ng kaniyang buhok. "What?"Tinitigan ni Lorraine ang mga kamay nilang magkaha
Bago pa man tuluyang sumikat ang araw, gising na si Lorraine.Nakahiga lang siya habang nakatitig sa kahoy na kisame. Mula sa labas, dinig na niya ang manaka-nakang pagtilaok ng mga manok at ang banayad na kaluskos ng mga dahon na hinihipan ng malamig na hangin.Ilang araw pa lang siyang nandito sa probinsya, pero pakiramdam niya bumalik siya sa pagkabata. Walang stress, walang kailangang habuling oras, walang meeting, at mas lalong walang deadlines.At ang pinakamaganda sa lahat... kasama niya si Tyron.Napangiti siya nang mapagtanto iyon. Dahan-dahan siyang bumangon, naghilamos, at lumabas ng kwarto. Tahimik pa ang buong bahay. Tulog pa yata ang mga magulang niya.Pero napansin niyang nakabukas ang pinto sa likod-bahay. Sumilip siya at doon, nakita niya si Tyron.Nakatayo ito sa maliit na veranda. Nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay may hawak na mainit na kape. Nakatingin ito sa malawak na paligid. Simpleng-simple lang ang suot nito, isang plain na white shirt at pajama pa
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







