NEAH’S POV“Tita Victoria, wala ka bang sasabihin sa akin? Magkakilala na ba kayo ni Neah dati pa?” Kuryoso niyang tanong. Hindi alam ni Victoria kung anong isasagot niya. Nananatili lang naman akong kalmado sa kinauupuan ko. Alam kong hindi niya sasabihin kay Cassandra ang tungkol sa nakaraan namin ni Dave.“Ah, ano kasi, iha—” Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa future daughter-in-law niya. Tiningnan ako ni Victoria, tinaasan ko siya ng kilay dahil anong gusto niyang mangyari, ako ang magpapaliwanag kay Cassandra? Kasalanan niya ang lahat ng ito. Kung hindi sana siya nagpunta rito sa office ko at kinausap ako, hindi siya makikita ni Cassandra rito at hindi sana maririnig ni Cassandra ang mga sinabi niya.“Gusto niya akong umalis bilang business partner mo.” Ako na ang sumagot kay Cassandra. Nagngitngit ang mga ngipin ni Victoria at pinanlakihan ako ng mga mata niya. Inaasahan niya bang pagtatakpan ko siya? Hindi kami close at wala na kaming connection sa isa’t isa para gawi
Read more