LOGINNEAH’S POVNagising ako madaling araw na. Napansin kong wala sa tabi ko si Kaiden. Hindi ba siya pumasok pagkatapos nilang maglaro ni Dave kanina? Half open pa ang mga mata ko nang bumangon ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko naman silang dalawa na nakatulog na sa sofa. Dahan-dahan ko silang nilapitan. Naupo ako sa center table habang nakaharap sa kanila.Nakayakap si Kaiden kay Dave at ganun din ang isang kamay ni Dave kay Kaiden. Pareho silang masaya kapag kasama ang isa’t isa. Tinitigan ko ang mukha ni Dave. Hindi ko mapigilang mang-init ang mga pisngi ko kapag naaalala ko ang halik niya sa akin. Hindi makatanggi ang katawan ko sa kaniya na para bang gustong-gusto rin nito ang ginawa ni Dave.Naiinis na naman ako sa sarili ko. Ayaw kong mahulog sa iisang tao. Nasaktan ako ng dahil sa kaniya at kung magiging mahina na naman ako baka maulit lang ang nangyari sa amin noon. Kung sapat talaga ang pagmamahal ni Dave para sa akin, hindi niya sana ako iniwan ng maraming beses at inuna
DAVE’S POVNapapangisi na lang ako kapag tinitingnan ko si Neah. Hindi niya na magawang tumingin sa akin pagkatapos ng nangyari sa loob ng sasakyan habang nasa byahe kami. Iniiwasan niya ang bawat tingin ko sa kaniya.Nasa kusina ako at nagluluto ng pagkain namin for dinner. Kung itong pagpunta namin dito sa France ang dahilan para makuha ko ulit si Neah, hinding hindi ko pagsisisihan na pumayag ako sa gusto ni Cassandra na sumama dito.“Hi, Tito Dave. What are we having for dinner tonight?” Kaiden asked excitedly. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang nararamdaman ko kay Kaiden. Pakiramdam ko ay anak naming dalawa ni Neah o baka tama lang si Neah, baka nangungulila lang ako sa anak naming dalawa at nakikita ko kay Kaiden ang anak sana namin.“I’m cooking a lot of dishes, you’ll get to taste them later,” Nakangiti kong sagot sa kaniya. Napapangiti naman siya sa akin.“You cook so well, Tito Dave, you might become my favorite chef.” I chuckled at what he said, but somehow his compliment war
NEAH’S POVHalos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa halik na yun ni Dave. Hindi ko alam kung matatandaan pa ba niya yun ngayon o hindi dahil lasing siya. Hawak-hawak ko ang labi ko habang nakatingin sa salamin. Ginulo niya ang buong sistema ko buong magdamag.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Ano bang ginawa ko? Sana hindi niya na maalala ang nangyari sa amin kagabi.Sinagot ko ang mga halik niya sa akin. Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang pagpasok ng isa niyang kamay sa loob ng damit ko. Itinulak ko siya at nahihiyang bumalik ng kwarto ko. Sana talaga hindi niya na maalala yun. Sana iniisip niyang panaginip lang ang lahat ng yun.Sa lakas ng kabog ng dibdib ko, para bang bumalik ako sa pagiging teenager dahil sa nararamdaman ko. Hindi naman yun ang unang halik namin pero buong magdamag kong ramdam ang mga labi niya sa mga labi ko.Kanina pa ako nakagayak pero wala akong lakas ng loob na lumabas ng kwarto ko.“Dang!” Gulat kong sambit nang may kumatok sa pintuan.“Neah, ka
NEAH’S POVNagpatuloy ang trabaho ko sa mansion ng mga de Valois. Sinasamahan ako ni Dave kahit na wala na siyang gagawin. Nakaupo lang siya sa sofa habang nakaharap sa laptop niya. Nagfocus ako sa ginagawa ko dahil gusto kong matapos ng maaga. Inaasahan ko namang posibleng mag-extend pa kami rito pero ayaw kong magtagal pa rito. Baka tuluyan nang lumabas sa dibdib ko ang puso ko.Kapag nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig siya sa akin, hindi na ako makapag-isip ng maayos. Para bang nabablangko na ang utak ko. Nakakalimutan ko tuloy kung ano bang dapat kong gawin. Nang makaramdam ako ng ngalay sa ginagawa ko ay sumandal na muna ako sa upuan. Tiningnan ko si Dave at nakatingin na naman siya sa akin. Every time nakikita kong nakatingin siya sa akin, nagwawala talaga ang puso ko.Nang bumukas ang pintuan ay napatingin kami dun. Pumasok ang limang katulong na may dalang food tray. Dalawa lang kami dito pero napakaraming pagkain ang inihahain sa amin. Hindi naman namin nauubos
NEAH’S POVLumabas ng hotel si Dave para bilhin ang mga kailangan niya sa pagluluto. Gusto ko sanang samahan siya pero pinagstay niya na lang ako rito sa kwarto namin. Habang naglalaro si Kaiden sa sala kasama si Claire ay nagshower na muna ako.Hinayaan kong dumaloy sa katawan ko ang warm water. Napapahilamos na lang ako dahil para bang nakalimutan kong kasama namin si Dave dito. Okay lang ba talaga sa kaniya ang ginawa namin ni Kaiden kanina? Nasira pa ang dalawang butones ng suit niya. Napapabuntong hininga na lang ako. Sana sa kwarto na lang kami naglaro ng anak ko. Nakita pa ni Dave kung anong ginagawa ko pagkatapos ng trabaho.Nang mapansin kong kanina pa ako rito sa shower room ay naligo na ako saka ako lumabas at nagbihis. Rinig ko na naman ang tawa ng anak ko. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin ako.Akala ko ay nasa sala si Kaiden pero sa kusina pala nagmumula ang tawa niya. Nakaupo si Claire sa sofa kaya siguradong si Dave ang kasama ni Kaiden. Pinuntahan ko silang d
DAVE’S POVHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa anak ni Neah. Isang beses ko pa lang siyang nakakausap pero para bang ang lalim na ng connection naming dalawa. Tuwang-tuwa akong makasama siya. Dahil sa presensya niya pakiramdam ko para akong isang ama. Kasalanan ko na hindi ko nabigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging isang ama sa anak namin ni Neah. Pinabayaan ko silang dalawa. Kung hindi ko lang inuna ang trabaho ko at nagfocus ako sa pag-aalaga kay Neah baka sakaling nabuhay ang anak namin.Wala na akong ginagawa pero hindi ko siya iniwan dito sa mansion ng mga de Valois. Nakaupo ako sa sofa habang siya ay nasa lamesa at nakafocus sa ginagawa niya.Bukas ay irereview ko ang kontrata at pagkatapos nun wala na akong gagawin. Sasamahan ko na lang siya dito. Habang busy siya sa ginagawa niya, nakafocus naman ako sa ipad ko. Binabasa ko ang lahat ng mga email na nareceive ko.Matapos ang maghapon na ito ay lumabas na rin kami ng kwarto. Pareho pa kaming chineck para masigu
NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa
NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na
NEAH’S POVUmuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.For the s







