Makalipas ang ilang araw sa pribadong silid ng ospital, halos hindi ko na makilala ang dating Drevin na nakilala ko.Ang lalaking dati ay kayang magbigay ng matalim na tingin sa sinumang mangahas na manggulo sa kanya, ang lalaking tila allergic sa ingay at may kakayahang magpaalis ng tao sa pamamagitan lamang ng isang irap, ay ngayo'y nakahiga nang matamlay sa kama. Halos wala na siyang lakas upang makipagtalo, lalong wala na siyang lakas upang paalisin ako sa tabi niya.Gayunpaman, kahit matamlay at nanghihina, hindi pa rin nawawala ang pagiging masungit niya.Ang kaibahan lamang, dati ay kaya niyang maglakad papunta sa pinto at isara iyon sa harap ng mukha ko. Ngayon, kailangan na lamang niyang magtaas ng kilay at magreklamo dahil hindi ko ibinibigay ang gusto niya.At siyempre, hindi ako nagpapatalo.Matapos ang ilang araw na mataas ang lagnat niya, unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Drevin. Gayunman, dahil sa matinding pneumonia na dumapo sa kanya, kailangan pa rin siyang ba
Read more