[ Neighbor.]Walang reply.[Kumain ka na?]Wala pa rin.[Busy ka?]Wala pa ring galaw.[Baka gutom ka na? Baka gusto mo ng kasamang kumain?]Ilang segundo ang lumipas. Deadma pa rin. Napakunot ang noo ko. “Ang sungit talaga nito kahit kailan.”Ilang minuto pa ang pinalipas ko habang nag-aayos ng mesa nang biglang mag-vibrate ang phone ko.Drevin: Bakit?Napangiti ako nang mabilis.[ Wala lang.]Drevin: Then?Napangiti ako nang mas malapad. At least nagre-reply![Kumain ka na ba talaga?]Drevin: Hindi pa.Napatingin ako sa niluluto kong ulam, tapos sa phone, tapos sa ulam ulit.[Bakit hindi pa?]Drevin: Dahil hindi pa ako gutom.[Sinungaling.]Drevin: Paano mo nasabi?[Feeling ko lang. Lakas ng kutob ko, eh.]Matagal bago siya muling nag-reply.Drevin: Weird mo.[Gusto mo ng lunch?]Tahimik. Walang reply nang halos isang minuto. Maya-maya—Drevin: May pagkain ka?[Meron. Masarap 'to.]Drevin: Ano?[Secret.]Drevin: E bakit mo tinatanong kung gusto ko kung ayaw mo namang sabihin?[Para
더 보기