LOGINHindi ko na maikakailang nami-miss ko ang presensiya niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganoon kalalim ang epekto ng pagkawala niya sa akin..Baka dahil nasanay ako.Baka dahil sa mga panahong nagkasakit ako, naging sandalan ko siya nang hindi ko namamalayan.Baka dahil palagi siyang naroon, kaya hindi ko naisip na darating ang araw na maaari siyang tumigil.Pero kung iyon lang ang dahilan, bakit hindi sapat ang mga alaala para mapanatag ako? Bakit kailangan kong makita siya? Bakit kailangan kong malaman kung maayos siya? At bakit, sa kabila ng lahat ng dahilan ko para manatiling malayo sa kaniya, gusto ko pa ring tumawid sa hallway at kumatok sa pinto niya?Napapikit ako.Ayokong madaliin ang sagot. Hindi ko kailangang tawaging pag-ibig ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko rin kailangang itanggi ang mga iyon dahil lamang hindi ko pa kayang unawain.Pero isang bagay ang alam ko: hindi ko gustong isipin ni Belle na pakipot ako. Ayokong isipin niyang nilalayo ko siya n
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng pinto ng condo ko habang hawak ang cellphone at paulit-ulit na binabasa ang mensaheng ipinadala ko kay Belle kagabi.Wala pa rin siyang sagot.Ilang beses ko nang binuksan ang aming conversation. Ilang beses ko na ring tiningnan kung nabasa na ba niya ang mensahe ko. At sa tuwing wala akong nakikitang pagbabago, para bang may kung anong bumibigat sa dibdib ko.Nakakainis.Napakaliit na bagay lamang ng isang mensahe, pero bakit parang ang hirap-hirap maghintay?Dati, kapag hindi sumasagot si Belle, hindi ko naman iyon gaanong iniintindi. Minsan, nakakalimutan ko pa ngang tingnan ang cellphone ko dahil abala ako sa sarili kong ginagawa. Kapag nagpadala siya ng panibagong mensahe, saka ko lamang malalaman na ilang oras na pala siyang naghihintay ng sagot.Ngayon, ako naman ang ganoon. Ako ang naghihintay. Ako ang paulit-ulit na tumitingin sa screen. At ako ang hindi mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip niya tungko
Dahan-dahan akong nag-type.[Belle, alam kong ilang araw na tayong hindi nagkikita. Gusto ko lang sanang kumustahin ka.]Natigilan ako. Simple lang. Walang pangakong hindi ko kayang tuparin. Walang salitang maaaring magbigay sa kaniya ng maling pag-asa.Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin agad naipadala. Nakatitig ako sa mensahe, iniisip kung ano ang maaaring maging reaksyon niya:Baka makita niya iyon at hindi sumagot.Baka magtanong siya kung bakit ako nangangamusta ngayon.Baka isipin niyang naiinip lang ako at gusto kong bumalik siya sa dati.Baka isipin niyang pakipot ako.Napailing ako. Ayokong isipin niya iyon. Hindi ko gustong magmukhang naglalaro sa damdamin niya.Kung hindi ko kayang mahalin siya sa paraang gusto niya, kahit paano ay dapat kong respetuhin ang nararamdaman niya. Hindi ko siya dapat hilahin pabalik sa akin dahil lamang natatakot akong mawala siya.Pero kung hindi ko siya kakausapin, paano ko malalaman kung may pagkakataon pa kaming mag-usap nang maayos?Hindi k
Sa tuwing sinusubukan kong bumuo ng mensahe, bigla kong naaalala ang mga pagkakataong sinaktan ko siya. Naaalala ko ang mga mata niyang pilit nguminiti kahit malinaw na nasasaktan siya. Naaalala ko kung paano niya pinipigilan ang sarili niyang magtanong pa kapag alam niyang ayaw kong sagutin siya.At ngayon, iniisip kong baka kapag nag-message ako, isipin niyang pakipot lang ako. Baka isipin niyang gusto kong habulin niya ako. Baka isipin niyang isa na naman itong paraan upang panatilihin siyang malapit sa akin kahit hindi ko naman siya kayang mahalin.Ayokong isipin niya iyon. Ayokong isipin ni Belle na pinaglaruan ko ang damdamin niya.Hindi ko naman talaga gustong saktan siya. Alam kong hindi iyon sapat na dahilan—ang intensiyon kong hindi siya saktan ay hindi nangangahulugang hindi ko siya nasaktan. Pero hindi ko kayang isipin na baka sa mga mata niya, isa akong lalaking nagbibigay ng kaunting pag-asa para lang matiyak na hindi siya aalis.Hindi ako ganoon. O hindi ko gustong magi
Baka may mas malalim pa. Baka may damdaming hindi ko gustong pangalanan. Baka, sa kabila ng lahat ng paniniwala ko tungkol sa sarili ko, may posibilidad na nahuhulog na ako sa babaeng iyon.Napapikit ako.Hindi. Hindi puwede.Hindi ako maaaring basta na lamang magbago dahil lang sa isang tao. At hindi ko rin dapat ipagpalagay na ang nararamdaman ko ay pag-ibig dahil lamang nami-miss ko siya.Puwedeng nasanay lang ako. Puwedeng gusto ko lang ang atensiyong ibinibigay niya. Puwedeng nami-miss ko lang ang pagkakaroon ng taong laging handang tumulong sa akin.Hindi lahat ng pangungulila ay pagmamahal. Hindi lahat ng kawalan ay nangangahulugang mahalaga ang taong nawala sa paraang iniisip mo.Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ko, hindi pa rin nagbabago ang isang bagay: gusto kong makita si Belle.At hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katotohanang iyon.Pagsapit ng tanghali, napagpasyahan kong lumabas upang bumili ng pagkain—hindi dah
POV: DrevinHindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa pinto ng condo ko.Mula umaga hanggang gabi, ilang beses na akong napapatingin doon. Sa tuwing may maririnig akong yabag sa labas, napapatuwid ako ng upo. Kapag may kumatok sa katabing unit, napapalingon ako. At kapag may dumaan sa hallway, kusang napupunta ang mga mata ko sa pintong ilang araw ko nang hinihintay na mabuksan.Pero wala.Walang Belle na dumating. Walang babaeng biglang kakatok sa pinto ko, tatawagin ang pangalan ko, at magtatanong kung kumain na ba ako. Walang Belle na mag-aalala kung maayos ba ang pakiramdam ko. Walang Belle na basta na lang uupo sa tabi ko at magku-kuwento tungkol sa kung anu-ano—kahit minsan ay hindi ko naman talaga pinakikinggan ang sinasabi niya dahil mas abala ako sa pag-iisip kung paano ko siya palalayuin.Ngayon, nang wala na siya, saka ko naman hinahanap ang presensiya niya.Napailing ako at napasandal sa sofa. "Anong problema mo, Drevin?" tanong ko sa sari
"Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti
"Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun
MALAMIG ang hangin sa London, kakaiba sa nakatutunaw na init ng Pilipinas na nakasanayan ko. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang iwan ko ang lahat. Dito, sa maliit ngunit modernong apartment ko malapit sa Thames, pilit kong binuo ang isang buhay na ako lang ang may-ari. Pumasok ako sa isang m
POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkak







