“Alam mo kung ano ang natutuhan ko nitong mga nakaraang taon?” tanong ni Magnus habang hinihintay namin ang aming order.“Ano?”“Hindi lahat ng gusto mo, kailangan mong habulin hanggang sa mapagod ka. Minsan, kailangan mong malaman kung kailan ka dapat tumigil.”Napatingin ako sa kaniya. “Deep,” komento ko.“I'm serious.”“Alam ko.”Marahan niyang pinaglaruan ang kutsara sa ibabaw ng mesa. “Dati kasi, akala ko kapag gusto ko ang isang bagay, kailangan kong gawin ang lahat para makuha iyon—kahit mapagod ako, kahit mawalan ako ng oras para sa sarili ko. Pero habang tumatagal, nare-realize kong hindi lahat ng bagay ay ganoon.”Hindi ako sumagot agad, dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang hindi lamang trabaho o pangarap ang tinutukoy niya.“May mga bagay na kailangan mong paghirapan,” pagpapatuloy niya, “pero may mga bagay ding kahit anong pilit mo, hindi talaga mangyayari. And kapag ganoon, hindi ibig sabihin na talo ka. Minsan, kailangan mo lang tanggapin na hindi iyon para
Read more