Pagdating namin sa mall, agad kaming nagtungo sa sinehan.“Ano'ng gusto ninyong panoorin?” tanong ni Magnus habang nakatayo kami sa harap ng mga poster.May ilang pelikulang action, isang romantic comedy, at isang horror film na bagong palabas. Hindi ko alam kung bakit, pero nang makita ko ang poster ng horror movie, bigla akong nagkaroon ng ideya.“Horror.”Napalingon sa akin ang dalawa.“Horror?” ulit ni Magnus.Tumango ako. “Yes.”Napakunot ang noo ni Drevin. “Are you sure?”“Why? Natatakot ka?”Agad siyang umayos ng tindig. “Me? Of course not.”Napatawa ako. “Then horror it is.”Si Magnus naman ay napailing habang nakangiti. “I feel like I'm walking into a trap.”“You're welcome to choose something else,” sabi ko.“No, no. I can handle a horror movie.”Nagkatinginan kaming tatlo, at sabay-sabay kaming tumawa.Sa huli, bumili kami ng mga ticket para sa horror movie. Bumili rin kami ng popcorn, drinks, at ilang snack bago pumasok sa sinehan.Habang naglalakad kami patungo sa aming m
Leer más