Bahagya siyang ngumiti, pero kunwari ay wala lang sa kaniya ang papuri. “Obviously.”Napailing ako. “Napakayabang mo talaga.”“Thank you.”Natawa kami ni Magnus.Pagkatapos ay sinuri namin ang isa pang damit na pinili ni Drevin para sa kaniya: mas kaswal iyon, ngunit bagay na bagay sa kaniya. Nang isuot niya iyon, parang mas naging bata ang dating niya.Napangiti ako. “That one. You should get that one.”Tumango si Drevin. “Agreed.”Napatingin sa amin si Magnus. “Do I even have a say in this?”“No,” sabay naming sagot ni Drevin.Napahawak siya sa kaniyang dibdib. “Wow. Betrayed by my own friends.”Lalong lumakas ang tawanan namin.Sa huli, bumili si Magnus ng ilang damit, samantalang ako naman ay bumili ng mga napili ni Drevin. Paglabas namin ng boutique, halos pare-pareho kaming may dalang shopping bag.Napatingin ako sa mga pinamili namin. “Alam ninyo, ang sarap palang magkaroon ng sariling fashion stylist.”“Of course,” sagot ni Drevin.“Imagine,” dagdag ni Magnus, “you just show u
Magbasa pa