FAZER LOGINNakita kong bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Belle. Hindi siya nagalit, pero tila nag-iisip siya kung paano sasagot.“Magnus is a good person,” sabi niya sa wakas.“I know.”“He's easy to talk to. He's kind. And he respects me.”Tumango ako. “I can see that.”Bahagya siyang ngumiti. “We're getting to know each other.”Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong humigpit sa dibdib ko nang marinig iyon, pero pinilit kong panatilihing normal ang ekspresyon ko. “That's good.”Tiningnan niya ako nang mabuti. “Really?”Napatingin ako sa kaniya. “Of course.”“Drevin, I don't want you to feel uncomfortable.”Napailing ako. “Why would I be uncomfortable?”Hindi siya sumagot agad. Marahil ay alam niya ang sagot: Dahil dati, ako ang taong pinakamalapit sa kaniya. Dahil dati, sa akin niya ibinibigay ang karamihan ng oras at atensiyon niya. Dahil dati, ako ang lalaking inaasahan niyang makakasama sa hinaharap.Pero wala na kami sa ganoong sitwasyon, at kung gusto kong manatili sa buhay niya,
“That's the most boring answer I've ever heard.”Natawa rin si Belle. “He's always like that.”Napatingin ako sa kaniya. “Excuse me?”“What? You can be boring sometimes.”“Sometimes?”“Okay, frequently.”Napailing ako. “I see how it is.”Natawa siya, at sa kabila ng pang-aasar niya, hindi ko napigilang ngumiti.Iyon ang Belle na nakilala ko: ang Belle na kayang sabihin sa akin ang totoo nang hindi kailangang mag-alala kung masasaktan ba ang ego ko, at ang Belle na hindi natatakot na pagtawanan ako kapag masyado akong seryoso.Pero hindi ko na maaaring ipagpalagay na babalik siya sa dating paraan ng pakikitungo sa akin. Kung gusto kong magkaroon kami ng ganoong samahan muli, kailangan kong patunayan na kaya kong tanggapin ang pagkatao niya nang hindi siya pinipigilan o sinasaktan. At kailangan kong tanggapin na maaaring hindi na ako ang taong pinakamalapit sa kaniya—marahil ay si Magnus na.Napatingin ako sa lalaki. Nakaupo ito nang maayos habang nakikinig sa kuwento ni Belle tungkol s
Pero nauunawaan ko kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya.“Did you regret it?” tanong ni Belle.Sandaling nag-isip si Magnus. “Sometimes.”Nagkatinginan kami ni Belle.“Not because I wanted to marry her,” dagdag niya. “That part, I never regretted. But I regret letting my anger control me. I could have handled it better.”Tumango ako. At least, alam niya iyon.“Pero hindi mo naman kasalanan na niloko ka nila,” sabi ni Belle.Ngumiti si Magnus. “Thank you.”“Seriously. Hindi mo deserve iyon.”“I know.”“At hindi mo rin kailangang sisihin ang sarili mo dahil nagalit ka.”Napatingin si Magnus sa kaniya nang matagal. May kung anong lumambot sa mukha nito.“I appreciate that, Belle.”Bahagyang umiwas ng tingin si Belle, marahil dahil napansin niyang naging seryoso ang usapan. Ako naman ay nanatiling tahimik.Hindi ko alam kung bakit ang simpleng palitan nilang iyon ay tila may kung anong kurot sa akin.Hindi naman bago sa akin ang makitang may taong nag-aalala kay Belle: maraming tao
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang ikuwento iyon nang may ganoong gaan sa tinig. Naalala ko ang mukha niya noong dumating siya sa boutique upang kanselahin ang order—halatang hindi siya makapaniwalang nangyari iyon sa kaniya.Hindi siya galit na galit noong araw na iyon; mas mukha siyang wasak. At iyon ang mas mahirap makita.May mga taong kapag niloko, nagagalit. May mga taong naghahanap ng paraan para makaganti. Pero si Magnus, sa unang pagkikita namin matapos ang pangyayari, para bang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Ang alam lamang niya, ayaw na niyang ituloy ang kasal.At tama lang naman siya—hindi niya kailangang pakasalan ang isang taong nagtaksil sa kaniya.“How did you find out?” tanong ni Belle nang mahinahon.Napatingin si Magnus sa kaniya, pagkatapos ay huminga siya nang malalim. “Do you really want to know?”Tumango si Belle. “Only if you're comfortable telling me.”Napangiti siya. “That's sweet of you.”Saglit siyang natahimik bago nagsimulang
Pinili ni Magnus ang isang restaurant na may tahimik na ambiance. Hindi masyadong pormal ang lugar, pero maayos ang pagkakaayos ng mga mesa at may sapat na distansiya ang bawat grupo upang makapag-usap nang hindi nakikialam sa ibang kumakain.Pagkaupo namin, agad na inabot ni Magnus ang menu kay Belle.“You first.”“Thank you.”Binuklat ni Belle ang menu at pinagmasdan ang mga pagpipilian. Ako naman ay naupo sa tapat nila.“Have you been here before?” tanong ni Magnus sa akin.“Once or twice.”“Then you're the expert.”“Hardly.”Natawa siya. “Fine. I'll take my chances.”Habang nagbabasa kami ng menu, hindi ko maiwasang mapansin na parang natural na natural kay Magnus ang alagaan si Belle sa maliliit na bagay: tinatanong niya kung anong gusto nitong kainin, kung may allergies ba ito, at kung gusto nitong subukan ang isang partikular na putahe.Hindi naman espesyal ang mga tanong na iyon, pero sa paraan ng pagtatanong niya, malinaw na interesado siyang malaman ang sagot. At nakikinig s
Hindi siya iyong kliyenteng naghahanap ng pinakamurang materyales pero gustong makuha ang pinakamahal na disenyo. Malinaw ang gusto niya, nakikinig siya sa mga suhestiyon ko, at hindi niya ako pinahirapan sa mga pagbabago.Naalala ko pa ang araw na dumating siya sa boutique nang hindi nakaayos ang buhok at halatang hindi natulog—doon ko unang nalaman na may problema sa kasal niya.Sa huling pagkikitang iyon, tuluyan nang nakansela ang order. Hindi na niya kailangang sabihin kung bakit, dahil kumalat na noon ang kuwento tungkol sa kaniyang fiancée.Napatingin ako kay Magnus. “You're the civil engineer who ordered the wedding suit and gown two years ago.”Biglang natawa si Magnus. “Oh, my God. Yes!” Napailing siya habang nakatingin sa akin. “I can't believe I ran into you here.”“I was just thinking where I'd heard your name.”“Well, now you know.”Napangiti ako. “I remember you. You were very particular about the suit.”“Of course! It was supposed to be my wedding.” Natawa siya, ngunit
"Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti
"Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun
MALAMIG ang hangin sa London, kakaiba sa nakatutunaw na init ng Pilipinas na nakasanayan ko. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang iwan ko ang lahat. Dito, sa maliit ngunit modernong apartment ko malapit sa Thames, pilit kong binuo ang isang buhay na ako lang ang may-ari. Pumasok ako sa isang m
"SALAMAT, Attorney."Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel."Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.Naiwan akong mag-isa. Daha







