“Wake up, my darling wife,” paos na bulong ni Nathan kay Cielo.“Hmmmm,” tanging sagot ng antok na antok niyang misis. Sa sobrang pagod ng babae sa launch and victory dinner kahapon, mas gusto niyang matulog lang sana buong maghapon ngayong araw. “I still want to sleep,” mahina niyang sabi, pero narinig pa rin iyon ni Nathan.Napangiti na lamang ang lalaki. Apat na buwan na ang ipinagbubuntis ni Cielo at napansin na ni Nathan ang mas pagiging antukin ng misis lalo na kapag napapagod. Inaasahan niyang babawi ng tulog at pahinga si Cielo ngayong araw, kaya hinayaan na lamang niyang matulog muli ang asawa. Ayaw din naman niyang pilitin itong gumising at sungitan siya maghapon. Nag-aalburuto na ang tiyan ni Cielo sa gutom kaya nagising siya. Pagdilat ng kanyang mga mata, kumunot ang noo niya nang mapansin ang amoy ng kanilang silid. Mabango pero hindi iyon ang amoy ng kuwarto nila. Napansin din niya ang manipis na kurtina na kahit kailan ay hindi pa niya nakita sa penthouse. Nanlaki ang
Read more