“Mommy, can we go to the Mall po?” malambing na tanong ni Heaven na bigla na lamang sumulpot sa pintuan ng kanilang silid.Katatapos nilang mag-almusal at ngayon ay nililinis na ni Helga ang silid nilang mag-ina. Nilingon niya ang anak na nakasilip sa p***o.“Anak, anong sabi ko sa iyo kapag naglilinis si Mommy?” seryoso niyang tanong sa bata.“Mag-stay po sa baba,” nakangusong sagot nito.“So, bakit nandito ka?” “Naalala ko po kasi ‘yung homework na binigay ni teacher,” katwiran ni Heaven.Pinunasan ni Helga ang mga picture frame sa side table ng kama. “Sige, pupunta tayo pagkatapos kong maglinis.”Lumiwanag ang mukha ni Heaven. “Puwede po ba nating isama sina Lolo at Lola?”Napangiti si Helga. “Of course, Sweet pea.”“Thank you, Mommy!” ani Heaven na tumalikod na para bumaba ng hagdan.“Be careful!” sigaw pa ni Helga. Sa mall, nagyaya si Heaven maglaro sa playpen kung saan may mga maliliit na bola at puwede kang mahiga at matabunan ng mga ito. Silang mag-ina lang ang nasa loob haba
Read more