“Good morning, Sir,” nakangiting bati ni Helga kay Nikko nang dumating ang lalaki sa hangar ng JNQ sa Terminal 4.Kunot ang noo ng lalaki na tumango kay Helga. Dumiretso ang boss sa lounge habang kakamot-kamot ng ulo si Vincent na sumunod sa lalaki. Nagkibit-balikat na lamang ang babae at bumalik sa ginagawa kanina.Nakatanggap ng text message si Helga, kaya binasa niya iyon.Vincent Sa akin siya galit. Hindi sa iyoDumating na si Capt. Ilagan at ang dalawang flight attendant na kapwa bagong hire, kaya hindi na nasagot ni Helga ang assistant ng boss . Agad na nagsagawa ng inspection si Sandro upang siguraduhing maayos na na-check ang eroplano.“Capt. Marcelo, ikaw na tumawag kina Sir sa lounge. Sabihin mo puwede na tayo umalis, anytime,” utos sa kanya ng piloto.Agad siyang tumalima. Itutulak na sana niya ang p***o ng lounge nang marinig niya ang sigaw ni Nikko.“Paanong nagkaproblema sa shipment, Vincent?” Natigilan si Helga. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at naisip niyang
Read more