Maagang ginising ni Jen si Helga para maglinis ng buong bahay nila habang ang kanyang ina ay inaayos ang mga damit ni Hernan na isasalang sa washing machine.“Helga, bilisan mong maglinis dahil maagang darating ngayon ang therapist ng papa mo,” bilin ni Jen. “Kailangang napaliguan na natin si Hernan bago dumating ang therapist.”“Sige po, Ma,” maiksi niyang sagot habang nagwawalis ng sahig ng sala.Natapos na niyang punasan lahat ng shelf sa buong bahay, kaya pagwawalis na ang kanyang ginagawa. Nang maramdaman niya ang pangangalay ng kanyang likod ay huminto siya sandali para iinat ang katawan. Eksaktong kumatok si Ana, ang maid na naghahatid ng pagkain sa kanila. Mula nang araw na ipina-check-up siya ni Isla, hindi na rin siya pinayagang magluto ng pagkain nila at sinigurong lagi silang hahatiran ng almusal, tanghalian at hapunan.“Helga, bakit ka nagwawalis?” gulat na tanong ni Ana, at sa tonong sinasaway ang dalaga. Dahil nakauwang ang p***o ng kanilang silid, narinig iyon ni Jen.
더 보기