Tambak sa ibabaw ng mesa ni Nikko ang ilang dokumento na kailangan ng kanyang approval dahil kauuwi lang niya kagabi mula sa apat na araw na Global Steel Summit, kung saan nagpupulong sa Dubai ang steel producers, traders at policymakers sa buong mundo upang talakayin ang trade, overcapacity at industry standards.Mula nang dumating siya kaninang umaga sa JNQ Headquarters, hindi pa niya maupuan ang mga dokumento dahil sa kaliwa’t kanang meeting na kanyang dinaluhan. “Sir, i-remind ko lang po ang lunch meeting ninyong magkakapatid sa office ni Chairman,” ani Vincent habang umaakyat sila sa hagdan pabalik sa kanyang opisina mula sa client meeting sa Sales Department.Nakagawian nilang magkakapatid na gamitin ang hagdan kapag isa o dalawang palapag lang naman ang pagitan. Iyon din kasi ang ipinapatupad nila sa buong kumpanya.“Anong oras na ba?” kunot ang noo niyang tanong. “11 am,” sagot ni Vincent.Bahagyang nilingon ni Nikko ang lalaki. “Natapos mo na ba iyong report natin sa Chairma
더 보기